1. Home
  2. Lipunan
  3. Edukasyon

Pilipinas inexplore ang kooperasyon sa Alberta University of the Arts

Pinag-usapan ang posibleng partnerships sa pagitan ng Pilipinas at ng arts university

Isang grupo ng mga tao nag-pose sa loob ng unibersidad para sa isang litrato.

Kasama ni Consul General Zaldy Patron, pangalawa mula kanan, ang mga kinatawan ng Alberta University of the Arts.

Litrato: PCG - Calgary

RCI

Sa pamamagitan ng imbitasyon ng presidente at CEO ng Alberta University of the Arts (AUArts) na si Dr. Daniel Doz, binisita ni Consul General Zaldy Patron ng Philippine Consulate General - Calgary ang AUArts noong Marso 15.

Bukod kay Dr. Doz, nakilala rin ni Consul General Patron sina Dr. Janis Goldie, Dean of Academic Programs ng Alberta University of the Arts at si Dr. Pablo Ortiza, Dean of Students.

Pinag-usapan nila ang potensyal na partnership at kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas at mga unibersidad, at Alberta University of the Arts sa larangan ng sining.

Itinatag noong 1926, ang Alberta University of the Arts ang kaisa-isang unibersidad na dedicated sa art, craft at design sa Alberta at sa Prairie Region. Ito ang isa sa apat lamang na arts universities sa Canada.

Nag-aalok ang Alberta University of the Arts ng bachelor’s at master’s degrees sa 11 na programa: ceramics, drawing, fibre, glass, jewellery at metals, media arts, painting, photography, print media, sculpture at visual communication design.

Ito ay mayroon ding non-degree program sa Critical and Creative Studies.

Isang artikulo na hango sa press release ng Philippine Consulate General - Calgary na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita