- Home
- Kalusugan
- Pangangalaga at Paggamot
Shoppers Drug Mart tinanggal ang ’pink tax’ sa mga gamot sa menstrual pain
Ang pink tax ay matatagpuan din sa mga produkto sa Walmart at Toys R Us

Napag-alaman ng CBC Marketplace ang dalawang halimbawa ng menstrual pain medication, kasama ang Maxidol, na mas mahal kaysa sa general pain relief counterparts nito sa Shoppers Drug Mart, na sinabing ia-align ang mga presyo sa linggong ito.
Litrato: CBC News / David MacIntosh
Umaksyon ang Shoppers Drug Mart kasunod ng imbestigasyon ng Marketplace ng CBC na nadiskubre na ang painkillers na tinawag na treatment para sa menstrual cramps ay mas mahal kaysa sa halos kapareho nitong painkillers na mina-market para sa sakit ng ulo at iba pang sakit.
Sinabi ng parent company ng drugstore, ang Loblaw, sa Marketplace sa pamamagitan ng email noong Marso 15 na “kinikilala nito ang importansya ng pagkakapantay-pantay at access at ia-align ang presyo ng mga produktong ito sa loob ng isang linggo."
Mula Marso 24, mahigit isang linggo matapos ipadala ng kompanya ang email, ang mga presyo online ay na-align na pero hindi ito consistent sa mga tindahan sa Greater Toronto Area.
Nakita ng Marketplace ang dalawang halimbawa ng tinatawag na pink tax matapos pagkumparahin ang mga produkto na makikita sa painkiller aisle at mga produkto na makikita sa feminine product section ng iba’t ibang lokasyon ng Shoppers Drug Mart sa Greater Toronto Area at online.
Tinawag ni York University marketing associate professor Ela Veresiu ang pagkakaiba sa presyo na outrageous at nakakagulat lalo na’t hindi naman maiiwasan ng mga kababaihan na mangyari ang kanilang biological situation bawat buwan.
Sinabi niya na pagdating sa pink tax, habang ang pagkakaiba sa presyo ay kalimitan maliit lang, magpapatong-patong pa rin ito sa paglipas ng panahon.
Basahin ang buong istorya mula sa Marketplace dito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.