1. Home
  2. Ekonomiya

Plano ni Doug Ford na magtayo ng 1.5M na bahay pagsapit ng 2031 nanganganib

Ang pinakamatataas na presyo ng bahay ay patuloy na nakikita sa Ontario

Mga bahay na itinatayo.

Itinatayo ang mga bagong bahay sa Whitchurch-Stouffville sa litrato na ito noong Hunyo 11, 2022.

Litrato: CBC News / Patrick Morrell

RCI

Nais ng gobyerno ni Ontario Premier Doug Ford na magtayo ng 1.5 milyon na mga bahay sa susunod na dekada, ngunit ang bagong datos na nakasaad sa 2023 budget ay tila iminumungkahi na ang probinsya ay off-target na.

Ang budget, na inilabas noong Huwebes, ay tinataya na magkakaroon ng 80,000 na mga housing starts — ibig sabihin magsisimula na ang pagtatayo ng mga gusali kung saan matatagpuan ang mga dwelling unit, ayon sa Canada Mortgage and Housing Corporation — kada taon sa susunod na tatlong taon.

Ang numero na iyon ay kailangang halos doblehin para matupad ng gobyerno ang layunin nito. Minamarkahan din ng projections ang setback mula 2022, noong itinayo ang 96,000 na mga bagong bahay — ang pangalawang pinakamataas na numero mula 1988.

Iginiit ng mga opisyal ng Ontario na ang projections sa budget ay batay lamang sa mga numero na kinuha mula sa pribadong sektor, at hindi kasama ang mga polisiya at hakbang para sa hinaharap na maaaring ipatupad upang tulungan ang probinsya na makamit ang layunin nito.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita