1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Politics

U.S. President Joe Biden makikipagkita kay Trudeau, haharap sa Parlamento ngayong araw

Ito ang unang non-summit overnight visit ng isang U.S. president sa halos dalawang dekada

Joe Biden nagsasalita habang nakaupo.

U.S. President Joe Biden (archives)

Litrato: Associated Press / Andrew Harnik

RCI

Nasa Canada si U.S. President Joe Biden ngayong araw para sa isang opisyal na pagbisita — isang mabilis na trip na kasama ang talumpati sa Parlamento, pagpupulong kay Prime Minister Justin Trudeau at gala dinner sa Aviation Museum sa Ottawa.

Ang dalawang araw na pagbisita, ang unang non-summit overnight visit ng isang U.S. president sa halos dalawang dekada, ay isang tsansa para kina Biden at Trudeau na ipagpatuloy ang kanilang mga gawain upang i-renew ang bilateral relationship, na minarkahan ng tensyon sa nakalipas na mga taon.

Ang Trump years ay isang mapanghamon na panahon para sa mga opisyal ng Canada. Pero ang desisyon ni Biden na kanselahin ang Keystone XL pipeline, i-promote ang protectionist policies tulad ng Buy American at i-withhold ang ilang suplay ng bakuna ay irritants sa mga unang araw ng kanyang presidency.

Mula noon, nagkaroon ng makabuluhang progreso sa mga key file: isang kasunduan upang protektahan ang NEXUS trusted traveller program at isang plano upang isama ang Canadian-made vehicles sa isang U.S. electric vehicle tax credit program.

At ayon sa sources na nakausap ng Radio-Canada/CBC News sa kondisyon ng anonymity, may napipintong kasunduan na pahihintulutan ang Canada na isara ang Roxham Road site, kung saan libo-libong refugee claimants ang tumatawid ng border irregularly sa nakalipas na mga taon — isang political headache para kay Trudeau.

Ang mga diplomatiko sa magkabilang panig ng border ay umaasa na mas maraming deal ang iaanunsyo sa pagbisita.

Ang entourage ni Biden ay maaaring ipahiwatig ang ilang detalye sa mga darating na pangyayari. Kasama ng presidente sina: Jennifer Granholm, ang energy secretary; ang national security adviser ni Biden na si Jake Sullivan; Liz Sherwood-Randall, ang homeland security adviser; at Secretary of State Antony Blinken, ang top U.S. diplomat.

Iminumungkahi ng listahan na maaaring magkaroon ng aksyon tungkol sa natural resources, sa border at sa mga dayuhang banta.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita