- Home
- Ekonomiya
- Negosyo
Zellers muling ilulunsad ang 12 tindahan sa buong Canada ngayong araw
At ang nostalgia ay ang door crasher

Magbubukas ang Zellers stores sa buong Canada ngayong araw.
Litrato: CBC/Anis Heydari
Isang dosenang lokasyon ng Zellers ang nakatakdang magbukas sa buong Canada sa Huwebes, isang dekada matapos maglaho ang discount chain mula sa retail landscape ng bansa.
Ang Hudson's Bay Company, na nagsimula ng mahabang proseso ng pagsasara ng mga lokasyon ng Zellers noong 2013, ay inanunsyo noong unang bahagi ng taong ito na plano ng retail giant na ibalik ang chain sa 25 na lokasyon sa buong Canada sa lalong madaling panahon.
Ang unang dosena — siyam sa Ontario at tatlo sa Alberta — ay nakatakdang opisyal na magbukas ngayong araw sa isang pagkilos na sinasabi ng retail analysts na nahaharap sa isang uphill climb sa tougher-than-ever retail landscape.
Sinabi ni Joseph Aversa, na nagtuturo ng retail management sa Ted Rogers School of Management ng Toronto Metropolitan University, na halata ang totoong dahilan kung bakit nagtayo ang chain ng Zellers locations sa loob ng mga Bay store.
Ito ay dahil ang parent company ng The Bay ay sinusubukang humanap ng mga makabagong paraan upang itulak ang mga kostumer sa daan-daang libo na retail square footage na mayroon na ito.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.