- Home
- Politika
- Imigrasyon
Canada naabot ang kasunduan sa U.S. na papayagan itong isara ang Roxham Road
Ang pagdagsa ng asylum seekers ay source ng tensyon sa pagitan ng U.S., Canada at Quebec

Ang Roxham Road ay nasa katimugang bahagi ng lungsod ng Montreal sa Quebec.
Litrato: Radio-Canada / Romain Schué
Napag-alaman ng Radio-Canada (bagong window) na ang gobyerno ni Trudeau ay naabot ang isang kasunduan sa Estados Unidos sa iregular na migrasyon na pahihintulutan ang Canada na isara ang Roxham Road sa iregular na pagtawid sa Canada-U.S. border.
Sinabi ng sources sa Radio-Canada na ang Canada ay sumang-ayon na i-welcome ang tiyak na bilang ng mga migrante sa pamamagitan ng opisyal na pamamaraan. Ang mga eksaktong detalye ay hindi pa nalalaman.
Ang Roxham Road na nasa Quebec-New York border humigit-kumulang 50 kilometro sa katimugang bahagi ng Montreal. Ito ay matagal ng source ng tensyon sa pagitan ng Canada, Quebec at Estados Unidos dahil sa pagdagsa ng asylum seekers na pumapasok sa Canada.
Dumating ang balita bago ang opisyal na pagbisita ni U.S. President Joe Biden sa Canada bilang presidente. Si Biden ay darating sa Ottawa ngayong Huwebes at aalis ng Biyernes. Hindi malinaw kung ang kasunduan ay iaanunsyo sa gitna ng kanyang pagbisita o pagkatapos nito.
Prinessure ng mga partido ng oposisyon at ng gobyerno ng Quebec ang gobyerno ni Trudeau ukol sa Roxham Road. Sina Conservative Leader Pierre Poilievre at Quebec Premier François Legault ay kapwa nanawagan para sa pagsasara ng irregular border crossing kasunod ng pagdami ng asylum seekers noong nakaraang taon. Sinabi ni Legault na ang bilang ng asylum seekers ay nagdulot ng strain sa social services ng probinsya.
Halos two-thirds ng asylum claims sa Canada noong 2022 ay ginawa sa Quebec, ayon sa datos ng gobyerno. Halos 40,000 asylum seekers ang tumawid sa border mula Roxham Road noong taon na iyon. Karamihan ng mga migrante ay mula sa Haiti, Turkey, Colombia, Chile, Pakistan at Venezuela.
Sinabi ni Trudeau noong nakaraang buwan na ang tanging paraan upang i-shut down ang Roxham ay muling makipagnegosasyon ukol sa Safe Third Country Agreement. Pero sinabi ni United States Ambassador David Cohen na maliit lang ang magagawa nito upang tugunan ang iregular na migrasyon.
Ang Safe Third Country Agreement ay pinagbabawalan ang mga tao mula sa pagke-claim ng asylum sa Canada kung sila ay papasok sa Canada mula sa Estados Unidos sa isang opisyal na land border crossing. Ang ideya ay kailangan gawin ng asylum seekers ang kanilang claim sa unang ligtas na bansa na maaari nilang marating.
Maaari pa rin marinig ang mga apela ng asylum seekers sa Canada kung sila ay papasok sa isang unofficial crossing tulad ng Roxham.
Sinabi ng sources sa Radio-Canada na sina Foreign Affairs Minister Mélanie Joly at Immigration, Refugees and Citizenship Minister Sean Fraser ay nagtrabaho behind the scenes sa kanilang American counterparts nitong mga nakaraang linggo upang maabot ang kasunduan.
Ang state ng New York ay nagbayad para sa bus tickets ng asylum seekers upang magpunta sa Plattsburgh, New York, na malapit sa Roxham Road.
Isang artikulo nina Louis Blouin (bagong window), Richard Raycraft, (bagong window) CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula kina Christian Paas-Lang at Darren Major