- Home
- Politika
Libo-libong miyembro ng militar maka-cut off sa expanded housing benefit ng Canada
Mas maraming miyembro overall ang makakatanggap ng benepisyo — pero hindi napigilan ang backlash

Mga miyembro ng military parade ng Canada sa downtown Calgary, Nobyembre 1, 2008 (archives).
Litrato: (Jeff McIntosh/Canadian Press)
Matapos trabahuhin ng halos isa’t kalahating dekada, iro-roll out ng Department of National Defence (DND) ang isang bagong benepisyo upang tulungan ang mga miyembro ng militar na harapin ang mataas na cost ng housing.
Nalaman ng mga miyembro ng Canadian Armed Forces sa isang virtual town hall noong Martes na ang bagong benepisyo ay dadating sa Hulyo.
Naglalayon itong tulungan ang lower-ranking members na maka-cope sa mataas na housing costs sa dose-dosenang dagdag na mga lokasyon sa Canada.
Pero hindi lahat ay makakakuha nito.
Tinataya ng militar na ang bagong polisiya ay mangangahulugan na humigit-kumulang 7,700 military members na nakakakuha ng monthly housing allowance ay maka-cut off.
Ang balita na iyon ay nagbunsod ng galit na online backlash mula sa mga taong nagsasabi na mas kaunti pa ang makukuha nila ngayon kaysa dati.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.