- Home
- Lipunan
- Mga restawran
2nd Filipino Restaurant Month inilunsad sa iba’t ibang parte ng Canada
Pangalawang Filipino Restaurant Month sa Canada, inilunsad na!

Mula kaliwa: Honorary Consul Zygmunt Potocki of Poland, Japanese Consul General Takahiko Watabe, U.S. Consul General Holly Waeger Monster, Mrs. Sheila Patron, Consul General Zaldy Patron, Honorary Consul Judith Romanchuk ng Finland, Chinese Consul General Zhao Liying at Columbian Consul General Diana Carolina Moya Mancipe sa paglulunsad ng 2nd Filipino Restaurant Month sa Canada sa Calgary, Alberta.
Litrato: Al Gamilla
Ang Embahada ng Pilipinas sa Canada ay sumama sa mga Pilipinong restawran sa buong Canada sa isang hybrid press conference na pinangunahan ng Philippine Consulate General sa Calgary, Alberta upang opisyal na ilunsad ang pangalawang Filipino Restaurant Month sa Canada (FRMC) noong Marso 20.
Ang proyekto ay isinagawa sa pamamagitan ng kooperasyon sa Philippine Consulates General sa Vancouver, Calgary at Toronto, katuwang ang Philippine Department of Tourism at ang Philippine Department of Trade and Industry. Ang Filipino Restaurant Month ay nakapokus sa rich diversity ng lutuing Pilipino na available sa iba’t ibang Filipino restaurants sa Canada.
Walumpu't apat na panauhin ang dumalo sa event sa Calgary. Kabilang sa kanila ang Consuls General ng U.S., Japan, Tsina at Columbia, at ang Honorary Consuls ng Finland at Poland.

Mga kinatawan ng FRMC participating restaurants Amihan Grill and Bakeshop, Chopstix Filipino Restaurant, Max’s Restaurant, at Pacific Hut Restaurant, kasama si Consul General Zaldy Patron at Mrs. Sheila Patron (ika-7 at ika-6 mula kaliwa, respectively) sa paglulunsad ng 2nd FRMC sa Calgary.
Litrato: Al Gamilla
Ang apat na restawran na kalahok sa FRMC sa Calgary, ang Amihan Grill and Bakeshop, Chopstix Filipino Restaurant, Max’s Restaurant at Pacific Hut Restaurant, ay nagsilbi ng mga lutuing Pilipino sa naturang okasyon. Ang Seafood City ang nagbigay ng Pamana bread at mga inuming Pilipino.

(Mula top left, clockwise) Amihan Grill and Bakeshop, Chopstix Filipino Restaurant, Max’s Restaurant, at Pacific Hut Restaurant sa paglulunsad ng 2nd FRMC sa Calgary noong Marso 20 kasama si Consul General Zaldy Patron.
Litrato: Al Gamilla
Noong nakaraang taon, ang unang
FRMC ay umakit ng 40 restawran sa 18 siyudad at pitong probinsya sa Canada. Ang publicity ng unang FRMC ay nagresulta sa 53.3 milyon na total media impressions at $2.9 milyon na media ad value para sa mga lumahok na restawran at Filipino cuisine.Ngayong taon, 42 restaurants na kumakatawan sa mga probinsya ng Alberta, British Columbia, Manitoba, Newfoundland and Labrador, Nova Scotia, Ontario, Quebec at Saskatchewan ang lalahok sa
FRMC at mag-aalok ng prix fixe menus sa mga kostumer ngayong Abril.Sa Eastern Canada, anim na restawran ang sumama sa event: Junior Filipino (Montreal, QC), Tinape (Bedford, NS), Silong Express (Halifax, NS), Sinaing (St. John’s, NL), Lola’s Kitchen at Tamis Café (Ottawa, ON).
Hango sa mga press release ng Philippine Embassy sa Ottawa at Philippine Consulate General sa Calgary na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.