1. Home
  2. Lipunan
  3. Paglahok sa Komunidad

Embahada ng Pilipinas nakilahok sa pagpupugay sa mga natatanging Pilipino sa Montreal

Kinilala ang mga natatanging Pilipino at organisasyon sa Montreal sa isang gabi ng parangal

Mga babae at lalaki na nakabihis ng tradisyonal na kasuotang Pilipino sa entablado.

Ang Filipino Heritage Awards Night 2023 ay naganap noong Marso 18 sa Centre de Resources Communautaire sa Cote des Neiges sa Montreal, Quebec.

Litrato: Embassy of the Philippines in Canada

RCI

Ang embahada ng Pilipinas sa Canada, na kinakatawan ni Vice Consul Leo Vidal, ay nakibahagi sa komunidad ng mga Pilipino sa Montreal upang parangalan at ipagdiwang ang mga nagawa ng mga natatanging Pilipino at organisasyon sa Canada at nag-ambag sa pag-angat ng Filipino pride sa bansa.

Naganap ang Filipino Heritage Awards Night 2023 noong Marso 18 sa Centre de Resources Communautaire sa Cote des Neiges sa lungsod ng Montreal sa probinsya ng Quebec.

Ang naturang event ay inorganisa ng Filipino Heritage Society of Montreal na pinangungunahan ng kanilang Chair na si Ginoong Alfonso Abdon.

Kabilang sa mga pinarangalan si Councillor Stephanie Valenzuela, ang pinakaunang Filipino Canadian na nahalal sa Montreal City Council.

Silipin kung sino siya sa bidyo na ito:

Hango sa press release ng Philippine Embassy sa Ottawa na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita