- Home
- Politika
- Imigrasyon
Canada inextend ang emergency travel program para sa Ukrainians na tumatakas sa giyera
Halos isang milyong Ukrainians ang nag-apply sa programa sa nakalipas na taon
Federal Immigration Minister Sean Fraser (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld
Inextend ng pederal na gobyerno ang programa na pansamantalang tatanggapin sa Canada ang Ukrainians na tumatakas sa giyera ng Russia at Ukraine.
Ang Ukrainians ay makakapag-apply ngayon hanggang Hulyo 15, 2023 sa Canada-Ukraine Authorization for Emergency Travel (CUAET) program.
Ito ay isang espesyal na hakbang na pinahihintulutan ang Ukrainians, ang mga miyembro ng kanilang pamillya anuman ang kanilang nasyonalidad, na mamuhay sa Canada ng hanggang tatlong taon. Ang
CUAET ay pinapayagan ang mga matagumpay na aplikante na mag-apply para sa work at study permits na walang bayad.Ang Russia at Ukraine ay nasa gitna ng isang digmaan mula pa noong 2014, pero pinaigting ng Russia ang kanilang paglusob noong Pebrero 2022. Ang pederal na gobyerno ay nagbigay ng militar, pinansyal at humanitarian aid sa Ukraine at nagpataw ng sanctions sa libo-libong Ruso at mga Rusong entidad.
Inanunsyo ito ni Immigration, Refugees and Citizenship Minister Sean Fraser ngayong Miyerkules.
Mahigpit nating imo-monitor ang mga pangangailangan ng Ukrainians at ng Ukraine, upang makita kung paano tayo patuloy na makapagbibigay ng suporta at makakatulong sa digmaan na ito,
ani Fraser sa isang news conference.
Ang gobyerno ay tumanggap ng kulang-kulang isang milyong aplikasyon sa programa mula nang ito ay magsimula noong Marso 2022, at 616,429 na ang naaprubahan sa mga ito.
Isang artikulo ni Richard Raycraft (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.