1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Quebec nais akitin ang mga imigrante sa rehiyon na may French classes, iba pang suporta

Inilaan sa budget ang $615 milyon para tugunan ang labour shortages

Eric Girard nakataas ang mga kamay at nagsasalita sa mikropono habang may mga watawat ng Quebec sa kanyang background.

Quebec Finance Minister Eric Girard (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Jacques Boissinot

RCI

Sinabi ni Quebec Finance Minister Eric Girard na nais niyang tulungang lutasin ang labour shortage sa pamamagitan ng paghikayat sa imigrasyon sa mga rehiyon ng probinsya.

Bilang parte ng 2023-2024 budget announcement noong Martes, ang Coalition avenir Québec na gobyerno ay nangako ng kabuuang $615.2 milyon sa susunod na anim na taon upang tugunan ang kakulangan ng mga manggagawa.

Mahigit 80 porsyento ng pera na iyon, mas kaunti sa $510 milyon, ay susuportahan ang mga imigrante habang nag-i-integrate sila sa mga rehiyon sa susunod na limang taon.

Nais ni Girard na pabilisin ang pagkilala sa credentials ng mga imigrante, dagdagan ang suporta at access sa French courses at hikayatin ang mga imigrante na piliin ang pamumuhay sa labas ng Montreal.

Ang mga rehiyon sa Quebec ay nakikipagbuno sa mga epekto ng isang provincewide labour shortage. Ang mga manggagawa, partikular sa health care, ay napuwersang magtrabaho ng overtime, at ang health clinics at paramedic services ay kinailangang magsara ng mga pasilidad at magbawas ng mga serbisyo.

Upang akitin ang mga imigrante at high-quality workers sa mga lugar sa labas ng Montreal, sinabi ni Girard na pinaplano niyang gumawa ng isang pilot project upang tulungan ang refugee claimants na mag-settle dito at pagyamin ang kanilang integrasyon sa mga targeted na sektor tulad ng turismo, kalusugan at battery industry.

Binigyang-diin ni Girard na mas madadalian ang mga imigrante na mag-integrate kung sila ay nagsasalita ng wikang Pranses, kaya nangako ang gobyerno ng $213.5 milyon sa susunod na limang taon para sa mga inisyatiba na nakatuon sa pagtaas ng bilang ng remote-learning course at pagpapalawak ng kanilang alok na francization services sa mga bagong kliyente.

Hindi malinaw kung nais ng gobyerno na tumanggap ang Quebec ng mas maraming imigrante — ang immigration levels ay naka-cap sa 50,000 — ngunit malinaw na nais nitong manirahan ang mas maraming tao sa mga rehiyon at planong gumastos ng $73 milyon sa susunod na limang taon para hikayatin ito.

Sinabi ni Girard na magkakaroon ng mga konsultasyon ang gobyerno sa nararapat na lebel ng permanent immigrants para sa period na 2024-2027.

Nagtabi rin ang gobyerno ng $164.1 milyon sa susunod na limang taon upang magbigay ng mga kurso at internships para sa ilang manggagawa, nangako na susuportahan ang mga imigrante na nagsumite na ng kanilang credentials at mag-aalok ng libreng tuition para sa refresher courses upang tanggapin sila sa professional orders sa Quebec.

Sinabi ni Girard na ang pagkilala sa credentials ng mga imigrante ay gagawing posible ang pag-maximixe ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng Quebec at tugunan ang shortage ng specialized workers sa ilang sektor — isang pangunahing component ng opération main-d'oeuvre ng Coalition avenir Québec na inilunsad noong fall ng 2021 upang i-match ang skills ng mga manggagawa sa pangangailangan ng mga employer sa Quebec.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Rachel Watts (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita