- Home
- Ekonomiya
- Mga restawran
Shake Shack plano na mag-expand sa Canada sa susunod na taon
Ang unang lokasyon ay nakatakdang buksan sa Toronto sa 2024, na may hanggang 35 pang lokasyon na pinlano

Ang burger-and-fries chain na Shake Shack ay nakatakdang magbukas ng unang lokasyon sa Canada sa susunod na taon.
Litrato: Bloomberg / Luke Sharrett
Ang Shake Shack Inc. ay magbubukas sa Canada, ang unang lokasyon ay pinlano para sa Toronto sa susunod na taon.
Inanunsyo ito ng restaurant chain na nakabase sa New York sa isang press release ngayong Miyerkules, sinabi na makikipag-partner ito sa dalawang investment firms na nakabase sa Toronto — ang Osmington Inc. at Harlo Entertainment Inc. — upang buksan ang unang lokasyon sa Canada sa 2024.
Unang nagbukas ang burger-and-fries chain sa New York noong 2004 at mula noon ay nag-expand upang magkaroon ng 290 locations sa 32 U.S. states, at 150 international locations kasama ang London, Hong Kong, Shanghai, Singapore, Mexico City, Istanbul, Dubai, Tokyo at Seoul.
Ang lokasyon sa Toronto ang magiging una sa Canada, pero sinabi ng chain na plano nitong magkaroon ng hanggang 35 locations sa buong bansa pagsapit ng 2035.
Matagal na namin tinitingnan ang oportunidad na ito sa Canada,
ani Michael Kark, ang global licensing officer ng chain.
Ang Osmington ay isang privately held commercial real estate investment fund na pagmamay-ari at kontrolado ni David Thomson, ang chairman ng Thomson Reuters. Kabilang sa mga asset ng Osmington ang Winnipeg Jets, na nakuha nito noong nilipat ang
NHL franchise mula sa Atlanta. Pagmamay-ari rin ng Osmington ang retail concourse na nasa kaaayos pa lang na transit hub ng Toronto, ang Union Station.Ang Shake Shack ay isang brand na matagal na naming hinahangaan,
ani Osmington CEO Lawrence Zucker sa isang release. Ang kanilang empasis ay nasa community building, enlightened hospitality at exceptional food quality na naaayon sa aming values at kami ay nagagalak na dalhin ito sa Canada.
Ang matagal nang hinihintay na pagpasok ng Shake Shack sa Canadian market ay dumating sa gitna ng wave ng U.S. fast food brands na nag-e-expand sa Canada sa nakalipas na dekada.
Ang Five Guys, Carl's Jr., Wahlburgers at Blaze Pizza ay nagbukas sa Canada bago nagtungo sa norte ang Chick-fil-A at Dave's Hot Chicken nitong mga nakaraang taon.
Ang mga Canadian na kompanya ay nakipagsabayan sa pagdating ng kanilang American counterparts sa pamamagitan ng pagpapalawak ng sariling fast-food offerings. Pero ang pag-akit sa mga kostumer ay naging mas challenging matapos naabot ng inflation ang 40-year high noong nakaraang taon, na ginawang mas mahirap ang gastusin sa pagkain sa labas para sikmurain ng mga konsyumer.
Ipinapakita ng pinakahuling datos ng Statistics Canada na ang halaga ng pagkain na binili mula sa takeout restaurants ay tumaas ng 8.6 porsyento mula noong huling Pebrero.
Ang pagbisita sa mga fast food joints sa Canada ay tumaas ng siyam na porsyento noong 2022, kaunti lang ang layo mula sa 11 per cent gain na nakita nito noong 2021, ayon sa research ng NPD Group.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula sa The Canadian Press