- Home
- Lipunan
- Mga baril
Paano ipinupuslit ang isang baril mula sa Texas papuntang Canada
Nag-undercover ang CBC para bumili kunwari ng baril sa Texas

Ang RCMP sa Cornwall, Ont., nakita ang duffel bag na ito na puno ng baril sa likod ng isang SUV mula sa Ottawa.
Litrato: Royal Canadian Mounted Police
Natunton ng CBC ang lihim na paglalakbay ng isang Smith & Wesson handgun, na legal na binili sa Texas, at naging isang crime gun na natagpuan sa duffel bag na itinawid sa St. Lawrence patungong Ontario.
Bago ito pinuslit sa Canada, ang 9-mm pistol ay dumaan sa pribadong merkado na nagbebenta ng mga baril, na karaniwang hindi kinokontrol sa ilang U.S. states, kabilang ang Texas.
Ang Estados Unidos ang pinakamalaking source ng ilegal na mga baril sa Canada, ayon sa Department of Justice.
Sa Ontario lamang, may mga baril mula sa Estados Unidos na bumubuo sa 90 porsyento ng lahat ng crime-related handguns na na-trace ng pulis noong 2022.
Ang Texas ang nangungunang source state ayon sa Ontario Provincial Police.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
PANOORIN | Nag-undercover ang CBC para sa bentahan ng baril sa isang parking lot sa Texas:
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.