1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Politics

Ano ang dapat asahan kapag dumating si U.S. President Joe Biden sa Canada

Darating ang presidente ng Amerika sa Ottawa bukas

Nagkamay ang mga lalaki.

Canadian Prime Minister Justin Trudeau, kaliwa, at U.S. President Joe Biden.

Litrato: Reuters / Kevin Lamarque

RCI

Kapag ang presidente ng Amerika ay bumibisita sa Canada, may umuulit na pattern sa kanilang mga sinasabi. Nagbibitaw sila ng matatamis na salita tungkol sa isa sa mas masayang relasyon ng dalawang bansa sa isang problemadong mundo.

Pagkatapos darating ang mapait na medisina — isang shot ng tough love kasama ang matamis na anyo ng isang hiling na gumawa ang Canada ng higit para sa mundo, sulat ni CBC Washington correspondent Alexander Panetta.

Na nagdadala sa atin sa linggong ito. At sa pagbisita ni Joe Biden, na magsisimula sa Huwebes.

Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang dekada, ang presidente ng Estados Unidos ay mananatili overnight sa Canada sa isang bilateral visit. Matatapos ito sa kanyang talumpati sa Parlamento sa Biyernes.

Ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay nasa magandang lugar. Isang potensyal na nakakasirang alitan tungkol sa electric vehicles ang naresolba na, gayundin ang mas maliit na hindi pagkakaunawaan tungkol sa NEXUS trusted-travel program, habang nagpapatuloy ang mga perennial irritant ukol sa dairy at lumber.

Ngunit may paulit-ulit na kahilingan ang Estados Unidos sa mga internasyonal na isyu na maaaring ibuod sa isang pangungusap: Gumawa ng higit pa, please, at gawin ito nang mas mabilis. Partikular sa migrasyon, Haiti at paggastos sa depensa.

Sinabi ng mga opisyal ng Estados Unidos sa kanilang Canadian counterparts na naa-appreciate nila ang pagtaas ng defence spending ng Canada sa $15 bilyon, o 40 porsyento, sa loob ng ilang taon. Saludo sila sa mga pangako ng Canada na pagbili ng F-35 jets at modernisasyon ng North American Aerospace Defense Command.

Hinikayat din nila ang Canadians na pabilisin ang timetable. Prinoject ng Canada ang 20 taon na programa upang baguhin ang North American Aerospace Defense Command. At gusto ng mga Amerikano na magawa ito sa lalong madaling panahon.

Sa Haiti, iniulat ng Miami Herald na pinipilit ng Estados Unidos ang Canada na gumawa ng desisyon kung pamumunuan nito ang isang multinational stabilization force matapos ang ilang buwan ng uncertainty. Ang administrasyon ay naiulat na umaasa ng isang kasagutan habang nasa Canada si Biden.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita