- Home
- Lipunan
- Biyahe
Canadians puwede na itsek ang status ng kanilang passport application online
Hanggang ngayong araw, maaari lang tumawag ang applicants para istek ang status ng kanilang mga aplikasyon

Nilunsad ng Canada ang online status checker para sa passport applications ngayong araw (archives).
Litrato: La Presse canadienne / Tom Hanson
Ang Canadians na naghihintay para dumating ang kanilang mga pasaporte bago ang isang trip abroad ay may bago ng option ngayon upang itsek ang status ng kanilang mga aplikasyon.
Naglunsad ang pederal na gobyerno ng Canada ng isang bagong online portal ngayong Martes na pinahihintulutan ang recent applicants na makita kung ano ang estado ng kanilang mga aplikasyon.
Ang passport offices ay na-overwhelm ng mga aplikasyon noong nakaraang taon habang nagsimulang luwagan ng gobyerno ang pandemic-related travel restrictions. Ang resulta ay isang backlog na pumilay sa application system (bagong window).
Inanunsyo ni Karina Gould, ang ministro na responsable para sa mga serbisyo ng gobyerno, noong Enero na ang backlog ay napuksa na.
PANOORIN | Pederal na gobyerno inanunsyo ang online passport status tracker:
Ngayong Martes, sinabi ni Gould na ipinakita ng backlog na may pangangailangan para sa isang online status tracker.
Ito ay isang bagay na naging lubos na malinaw, at ito ay isang malaking leksyon na natutunan mula sa sitwasyon [noong nakaraang taon],
sinabi niya sa mga reporter sa labas ng House of Commons.
Dati, ang mga aplikante ay kailangan tumawag sa call centre upang itsek ang status ng kanilang mga aplikasyon. Sinabi ni Gould na ang centre ay nakatanggap ng mahigit 15 milyon na tawag sa nakalipas na taon, 70 porsyento ay mga Canadian na nagtatanong tungkol sa kanilang application status.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Bahagi ng artikulo ni Darren Major (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.