- Home
- Politika
- Pederal na Politika
Chief of staff ni Trudeau tetestigo sa komite na nag-iimbestiga sa pakikialam ng Tsina
Si Katie Telford ang chief of staff ni Prime Minister Justin Trudeau
Ang Chief of Staff ng Prime Minister na si Katie Telford (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick
Pumayag ang chief of staff ni Prime Minister Justin Trudeau na tumestigo sa isa sa mga komite na iniimbestigahan ang lawak ng panghihimasok ng gobyerno ng Tsina sa mga eleksyon ng Canada — at kung ano ang nalalaman ng Liberal na gobyerno tungkol dito.
Habang may mga seryosong hadlang sa kung ano ang maaaring sabihin sa publiko tungkol sa mga sensitibong intelligence matters, sa pagsisikap na magtrabaho ang Parlamento, si Telford ay sumang-ayon na humarap sa procedure at sa House affairs committee bilang parte ng kanilang pag-aaral,
saad sa pahayag ngayong Martes ng Prime Minister’s Office.
Inayos ng desisyon ang logjam sa procedure at House affairs committee (PROC), kung saan ang Liberal MPs ay umaakto ng suwail sa nakalipas na dalawang linggo para maantala ang pagboto tungkol sa pagtawag kay Telford upang humarap sa komite.
Ang komite ay nagpatuloy Martes ng umaga at bumoto na tawagin si Telford na humarap sa pagitan ng Abril 3 hanggang Abril 14.
PANOORIN | Telford isang ‘kritikal na saksi,’ sabi ng Conservative MP:
Ang miyembro ng komite at Conservative MP na si Michael Cooper, na unang naghain ng mosyon, ay sinabi na habang ang Liberal MPs ay kailangan managot para sa kanilang mga aksyon sa paghadlang sa komite, siya ay nagagalak sa naging desisyon ngayong Martes.
Kritikal na siya ay tumestigo. Siya ang pangalawang pinakamakapangyarihang tao sa gobyerno, arguably. Pero hindi lang iyon, ginampanan niya ang isang mahalagang papel noong 2019 at 2021 election campaigns sa ngalan ng Liberal Party,
aniya.
Siya ay isang kritikal na saksi tungo sa puso ng iskandalo, na ano ang nalalaman ng prime minister, kailan niya ito nalaman at ano ang kanyang ginawa o hindi ginawa tungkol sa panghihimasok ng Beijing sa ating eleksyon?
Sinabi ni Liberal MP Greg Fergus na hindi siya willing na ipatawag ang chief of staff para tumestigo, pero nag-volunteer si Telford.
Pinahihintulutan nito na tayo ay mag-move on sa iba pang usapin,
aniya. Ang tradisyon ay hindi papuntahin ang political staff sa komite. Ang mga ministro ang talagang responsable para rito. It makes a lot of sense. Matagal na itong tradisyon sa house at isa na dapat sirain nang may matinding pag-aalinlangan.
Tumindi ang public at politikal na protesta laban sa panghihimasok ng dayuhan sa eleksyon mula nang paratangan ng Globe and Mail ang Tsina na sinubukang tiyakin na mananalo ang mga Liberal ng minority government sa huling general election. Inilathala rin ng pahayagan ang mga ulat na nagsasabi na ang Beijing ay nakipagtulungan upang matalo ang mga Conservative na kandidato na kritikal sa Tsina.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Bahagi ng artikulo ni Catharine Tunney (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.