- Home
- Lipunan
- Paglahok sa Komunidad
Filipino community nanawagan muli na magkaroon ng cultural centre sa Vancouver
Mahigit 174,000 British Columbians ang may lahing Pilipino

Mahigit 174,000 katao na may lahing Pilipino ang nakatira sa British Columbia, ayon sa 2021 census.
Litrato: Rignam Wangkhang
Nanawagan ang komunidad ng mga Pilipino sa British Columbia upang tuparin ng probinsya ang pangako nito na magtaguyod ng isang cultural centre para sa komunidad.
Isang open letter na pinirmahan ng tatlong community organizations ang humiling sa premier at iba pang pulitiko sa probinsya na gawin ang susunod na hakbang
upang maitayo ang isang Filipino cultural centre, bagay na sinasabi sa liham na isang pangarap ng mga Pilipino sa loob ng maraming dekada.
Sa mandate letter noong Disyembre, ipinag-utos ni Premier David Eby kay Lana Popham, ang ministro para sa turismo, sining, kultura at isport, na gawing prayoridad ang pagkakaroon ng progreso sa probinsyal na Filipino cultural centre.
Si Mable Elmore, ang parliamentary secretary para sa anti-racism initiatives ng B.C., ay inutusan na suportahan si Popham sa isang katulad na liham.

Si Vancouver-Kensington MLA Mable Elmore, ang unang Pilipina na nahalal sa Lehislatura ng B.C., ay naatasan na tulungan si Minister Lana Popham na itayo ang isang Filipino cultural centre.
Litrato: La Presse canadienne / Chad Hipolito
Ang direktor ng Tulayan Filipino Diaspora Society, isa sa mga grupo sa likod ng open letter, ay sinabi na ang mandate letters ni Eby ang nagtulak sa komunidad ng mga Pilipino na umaksyon.
Talagang nakuha nito ang atensyon ng maraming tao,
ani RJ Aquino. Naging excited ang mga tao tungkol sa fact na opisyal na ito in the sense na ipinahayag ng premier ang kanyang desire at suporta upang maitaguyod ito para sa Filipino community.
Sa isang pahayag sa CBC News, sinabi ni Popham na siya ay nakikipagtulungan kay Elmore at kabilang sa mga susunod na hakbang para sa centre ang community engagement.
Masyado pang maaga para sabihin kung ano ang magiging itsura ng modelo, ngunit tinitingnan namin ang pakikipag-ugnayan sa iba pang government partners sa pederal at munisipal na lebel para suportahan ang importanteng proyekto na ito,
ayon sa pahayag. Ang importanteng trabaho na ito ay magre-require ng solid business planning, na maaaring magtagal.
Dagdag pa ni Popham ang community engagement ay paplanuhin kasama ang Mabuhay House, isang community organization na inaasahan na magpapatakbo ng cultural centre sa hinaharap.
Lumalaking populasyon ng mga Pilipino
Sinabi ni Aquino na ang mabilis na lumalaking Filipino community sa British Columbia ay nangangailangan ng malaking espasyo.
Binibigyan kami nito ng isang focal point na hindi lang magkaroon ng cultural events pero tugunan din ang iba pang pangangailangan ng aming komunidad gaya ng housing, child care, you know, senior centre.
Ayon sa 2021 census, may mahigit 174,000 katao na may lahing Pilipino ang naninirahan sa British Columbia.
[Ulat] Wika at kulturang Pinoy ipinanukala na ituro sa isang eskwelahan sa Vancouver
Filipino language classes magsisimula sa secondary school sa Vancouver
Sinabi ni Aquino na ang komunidad ay nakapokus sa Vancouver, kaya naman nanawagan din sila kay Mayor Ken Sim upang suportahan ang cultural centre sa lungsod.
Ang pisikal na espasyo ay obviously isang malaking balakid. Ang pinakamalaking hamon ay ang pagkuha nito at pagtatayo doon,
aniya. Doon kami umaasa na makakuha ng suporta mula sa probinsya at lungsod.
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.