1. Home
  2. Lipunan
  3. Edukasyon

Pagtuturo ng wika at kulturang Pilipino sa mga eskuwelahan sa Alberta, tinalakay

Isinusulong ng Pilipinas ang pagtuturo ng Filipino Language and Culture subjects sa mga eskuwelahan sa Alberta

Isang babae at lalaki nakatayo habang nasa background nila ang watawat ng Canada at probinsya ng Alberta.

Philippine Consul General Zaldy Patron, kanan, at Alberta Education Minister Adriana LaGrange, kaliwa.

Litrato: PCG - Calgary

RCI

Noong Marso 9, nagkita sina Philippine Consul General Zaldy Patron at Alberta Education Minister Adriana LaGrange upang pag-usapan ang Filipino Language and Culture program sa mga eskuwelahan sa Alberta at ang oportunidad na magturo para sa Filipino internationally educated teachers (IET).

Hiningi ni Consul General Patron ang suporta ni Minister LaGrange para sa pagpapakilala ng Filipino Language and Culture subjects sa mas maraming high school sa Alberta dahil ngayon tinataya na mayroon ng 216,000 na Pilipino sa probinsya.

Na-appreciate ko talaga ang diskusyon namin ni Ginoong Zaldy Patron, ang Philippine Consul General sa Calgary. Inaasahan ko na magkasama kaming magtatrabaho upang isulong ang mga napag-usapang inisyatiba para mas mabuting pagsilbihan ang mga Pilipinong estudyante at kanilang mga pamilya, ani Minister LaGrange.

Sa kasalukuyan, may limang high school sa Alberta (apat sa Edmonton at isa sa Calgary) na nag-aalok ng tatlong elective na Filipino subjects: Filipino 15, Filipino 25 at Filipino 35.

Nag-propose din si Consul General Patron na ipakilala ang angkop na Filipino language subjects sa elementarya at junior high school.

Humiling din siya ng karagdagang pondo para suportahan ang community-based Filipino schools, tulad ng Calgary-based Philippine Cultural Centre Foundation, at ng Edmonton-based Filipino-Canadian Saranay Association of Alberta.

Klinaro ni Minister LaGrange na ang pagpapakilala ng Filipino Language and Culture subjects sa mga eskuwelahan sa Alberta ay community driven. Ang Filipino community sa loob ng school district ay maaaring ipetisyon ang isang partikular na paaralan kung nais nilang ituro ang wikang Filipino sa eskuwelahan na iyon.

Hiniling ni Consul General Patron kay Minister LaGrange na mag-isyu ng letters of authority para sa mga kwalipikadong Filipino internationally educated teachers na pahihintulutan silang magtrabaho pansamantala bilang mga titser sa Alberta habang sumasailalim sa Internationally Educated Teachers Bridging Program.

Sinabi ni Minister LaGrange na wine-welcome at ine-encourage ng Alberta Education ang mga Pilipinong internationally educated teachers na mag-apply sa Department of Education upang ma-review ang kanilang credentials. Ang Alberta Education ay nag-iisyu ng letters of authority sa oras na ang mga kwalipikasyon ay malinaw na binalangkas at puwede nang i-assess ng Departamento.

Kalimitan ang school authorities ay kumukuha ng mga indibidwal upang magturo ng language and culture courses sa ilalim ng supervision ng isang certified teacher. Ang teacher certification ay hindi required para sa language at culture instructors.

Dalawang opisyal ang sumang-ayon na magtulungan upang i-inform ang Filipino community tungkol sa teaching opportunities sa Alberta para sa Filipino internationally educated teachers.

Ang programa na tinatawag na Foreign Prepared Teacher Bridge to Teacher Certification Conditional grant, na pinamamahalaan ng University of Calgary at University of Alberta, ay sinusuportahan ang mga imigrante na internationally educated teachers.

Matapos ang matagumpay na pagpo-promote ng kapakanan ng mga Pilipinong internationally educated nurse sa Alberta, ngayon naman nakikipagtulungan tayo sa Ministry of Education ng Alberta upang i-promote ang kapakanan ng Filipino internationally educated teachers at isulong ang pagtuturo ng mas maraming Filipino Language and Culture subjects sa mga eskuwelahan sa Alberta, ani Consul General Patron.

Kaugnay na ulat

Hango sa news release ng Philippine Consulate General - Calgary na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita