- Home
- Pandaigdig
- International Politics
Russia ipinatawag ang Canadian diplomat para iprotesta ang ’regime change’ statement
Tinawag ng Russia ang mga komento ni Joly na 'Russophobic attack'

Foreign Affairs Minister Melanie Joly ng Canada
Litrato: La Presse canadienne / Justin Tang
Sinabi ng Foreign Ministry ng Russia ngayong Martes na nagprotesta ito sa diplomatiko ng Canada sa Moscow tungkol sa mga komento ni Canadian Foreign Minister Melanie Joly tungkol sa “regime change” sa Russia.
Sinabi ng ministry na ipinatawag nila ang Canadian charge d'affaires na si Brian Ebel noong Lunes at sinabi na ang mga komento ni Joly ay hindi katanggap-tanggap.
Ginamit ng Canadian media ang quote ni Joly na sinabi sa isang news conference noong Marso 10: Nakikita kung gaano natin ina-isolate ang rehimen ng Russia ngayon — dahil kailangan natin itong gawin economically, politically at diplomatically — at ano ang mga epekto sa lipunan at gaano natin nakikita ang potensyal na pagbabago ng rehimen sa Russia.
Kinondena ng pahayag ng Russia ang Russophobic attack
at sinabi na magkakaroon ito ng seryosong consequences para sa relasyon ng Canada at Russia. Ang Russia ay may karapatan na gumawa ng karampatang counter-measures
depende sa mga susunod na hakbang ng Canada.
Ang Canada, isang miyembro ng
NATO at ng Group of Seven (G7) leading economies, ay nakiisa sa kanilang Western allies upang magpataw ng sanctions sa Russia dahil sa paglusob nito sa Ukraine.Noong Biyernes, winelcome ng Canada ang pagkilos ng International Criminal Court na mag-isyu ng arrest warrants para kay Russian President Vladimir Putin at sa kanyang children's commissioner dahil sa deportasyon ng mga batang Ukrainian sa Russia mula nang magsimula ang digmaan.
Isang artikulo ng Thomson Reuters na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.