1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Inflation rate bumaba ng 5.2% noong Pebrero — pero mataas pa rin ang presyo ng pagkain

Ang rate ay bumaba sa 5.9 porsyento noong Enero

Mga gulay na binebenta sa loob ng supermarket.

Ang produce section sa Longo's supermarket sa Stouffville, Ont. sa Pebrero.

Litrato: CBC News / Emily Chung

RCI

Lumamig ang inflation rate ng Canada sa 5.2 porsyento noong Pebrero, ang pinakamalaking pagbaba mula sa naunang buwan mula Abril 2020, ayon sa Statistics Canada.

Sinabi ng ahensya na ang consumer price index ay nagkaroon ng year-over-year deceleration mula Pebrero 2022, nang ang inflation rate ay nasa 5.7 porsyento.

Ang reading ay ikinumpara sa annual inflation rate na 5.9 porsyento noong Enero at nasa pinakamababang reading mula Enero 2022, nang ito ay nasa 5.1 porsyento.

Binigyang-diin ng Statistics Canada na ang pagbaba ay dahil sa mataas na buwanang increase sa mga presyo noong Pebrero 2022.

Sa kabila ng kabuuang paglamig, ang presyo ng pagkain ay nanatiling mataas at na-outpace ang overall inflation.

Ang presyo ng mga pagkain na binili sa mga grocery store noong Pebrero ay tumaas ng 10.6 porsyento kumpara noong nakaraang taon, ang ikapitong sunod na buwan ng double-digit increases.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita