- Home
- Politika
- Pederal na Politika
Freeland sinabi na ang budget ay mag-aalok ng mga hakbang na tutulong sa pinakamahina
Ang budget ay gagawa ng major investments sa health care at clean economy, sabi ng ministro
Deputy Prime Minister at Finance Minister, Chrystia Freeland (archives).
Litrato: La Presse canadienne / Justin Tang
Sinabi ni Finance Minister Chrystia Freeland na ang budget na ilalahad sa susunod na linggo ay mag-aalok ng mga hakbang upang tulungan ang Canadians na napiga ng tumataas na interest rates at inflation — pero siya ay nagbabala na ang pederal na gobyerno ng Canada ay hindi kayang tulungan ang lahat ng tao.
Para sa Canadians na pinakamatinding nararamdaman ang kagat ng tumataas na mga presyo, para sa ating pinakamahina na mga kaibigan at kapitbahay, ang ating gobyerno ay magbibigay ng karagdagang targeted inflation relief,
ani Freeland sa Oshawa, Ont. noong Lunes.
Ang suporta ay makipot na nakapokus at fiscally responsible. Ang katotohanan ay hindi natin ganap na mako-compensate ang bawat Canadian para sa lahat ng epekto ng inflation o para sa elevated interest rates. Kung ganun ang mangyayari lalo lang natin palalalain ang inflation at pupuwersahin na tumaas ang rates ng mas matagal.
Sinabi ni Freeland na ang budget sa susunod na linggo ay nakadisenyo upang iwasan na palalain ang inflation habang gumagawa ng mahahalagang investments sa health care at sa pagtataguyod ng clean economy ng Canada.
PANOORIN | Gobyerno magbibigay ng ‘karagdagang targeted inflation relief ayon kay Freeland:
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.