- Home
- Politika
- Pederal na Politika
Conservative Party inatake ang pagpili ni Trudeau kay David Johnston
Tinawag ni Trudeau si Johnston na 'unimpeachable'
Conservative Party Leader Pierre Poilievre (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Justin Tang
Ipinagtanggol ni Prime Minister Justin Trudeau ang kanyang desisyon na italaga ang dating governor general na si David Johnston upang maging special rapporteur sa election interference.
Matatandaan na inanunsyo ni Trudeau kamakailan ang paglunsad ng imbestigasyon tungkol sa panghihimasok ng mga dayuhan, partikular ng Tsina, sa huling dalawang eleksyon ng Canada.
Inatasan niya si Johnston na mamuno sa imbestigasyon at lumikha ng mga ekspertong rekomendasyon tungkol sa paglaban sa pakikialam ng mga dayuhan at pagpapatibay ng demokrasya sa Canada.
Samantala sinabi ni Conservative Party Leader Pierre Poilievre na pinangalanan ni Trudeau ang isang kaibigan ng pamilya upang magsilbi bilang special rapporteur.
Pinangalanan ni Trudeau ang isang kaibigan ng pamilya, lumang kapitbahay mula sa cottage at miyembro ng Beijing-funded na Trudeau foundation para maging independent rapporteur sa panghihimasok ng Beijing,
ani Poilievre sa isang pahayag sa media.
Magpakatotoo tayo. Dapat tapusin ni Trudeau ang kanyang cover up. Magpatawag ng isang public inquiry.
Sinabi ni Trudeau na habang sinubukan ng Tsina na makialam sa mga eleksyon ng Canada, itinuturo ng ebidensya na hindi ito nagtagumpay.
Panoorin ang ulat ng CBC News sa bidyo na ito:
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Isang bidyo ng CBC News na isinalin ang description sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula sa CBC News