- Home
- Agham
- Enerhiya
Ugnayan ng pension fund directors at fossil fuel "salungat" para sa Canadians
Ang practice ay legally OK, pero ang climate-conscious members nag-aalala ukol sa magkasalungat na prayoridad

Makikita ang maliwanag na flare mula sa Imperial Oil refinery sa Edmonton, Alta.
Litrato: (Jason Franson/The Canadian Press)
Kahit lumalaki ang pressure mula sa Canadians na nais ihinto ang pagdaloy ng kanilang pera upang suportahan ang langis at gas, ang karamihan sa pinakamalaking pension fund managers ng bansa ay nais ipagpatuloy ang pag-i-invest sa naturang sektor — at pinangungunahan ito ng mga indibidwal na may malapit na koneksyon sa mga kompanya ng fossil fuel.
Sinuri ng CBC News ang publicly available bios at resumes ng mga lider na nangangasiwa sa 10 pinakamalaking pension fund managers ng Canada at napag-alaman na walong organisasyon ang may at least isang high-ranking member, maaaring board member o executive, na aktibong dinidirekta ang isang kompanya na nasa sektor ng langis at gas.
Hindi ipinagbabawal ng batas at regulasyon sa Canada ang mga direktor mula sa paghawak ng posisyon sa pension funds at sa mga kompanya na nasa sektor ng langis at gas.
Walang mali kung mauupo ang isang direktor sa mahigit isang board. Walang nakasaad sa batas na ipinagbabawal gawin ito,
sinabi ng corporate governance expert at propersor sa Osgoode Hall Law School na si Barnali Choudhury.
Gayunpaman, sinabi ni Choudhury na naiintindihan niya kung bakit nagbunsod ito ng mga katanungan para sa ilang Canadians.
Hinihikayat niya ang mga pension fund member na may concerns na kontakin ang kanilang pension para isulong ang mas malakas na climate action.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.