- Home
- Kalusugan
- Pampublikong Kalusugan
[Ulat] ‘Nakatali ang kamay’ ng marami pang Pinoy nurses na nasa Canada: nurse advocate
Sigaw ng isang nurse advocate pabilisin ang proseso para sa IENs na nasa Canada para makatulong sa krisis

Mga nurse na nagsusuot ng lab gowns sa intensive care unit ng Royal Columbian Hospital sa New Westminster, B.C., [file].
Litrato: CBC News / Ben Nelms
Umaapela ang isang lider ng Pinoy nurse group, habang nagre-recruit ng nurses sa labas ng Canada ang mga probinsyal na gobyerno at employers, na tulungang mapabilis ang proseso ng pagrehistro para sa maraming internationally educated nurses na nasa Canada na pero nahahadlangan para makapagtrabaho.
Nagkukulang ng nurses sa buong bansa kaya mahigpit ang kompetensya ng mga probinsyal na gobyerno na makaakit ng dagdag na health-care workers para sa kani-kanilang mga ospital, retirement homes at ibang pasilidad. Kumikilos man ang mga probinsyal na gobyerno para sa internationally educated nurses o IENs na nasa Canada na marami pa rin ang hindi pa makapagtrabaho na nasa iba-ibang bahagi pa ng pagpoproseso ng kanilang akreditasyon.
Ang sitwasyon ay nakakabalisa ayon sa nurse advocate na si Jennifer Lopez, presidente ng Integrated Fiipino Canadian Nurses Association (IFCNA).
It's already challenging and frustrating for them because they are ready to help [address] the health-care crisis. They do not want their colleagues to burn out and yet their hands and feet are tied,
sabi ni Lopez.

Ang Integrated Fiipino Canadian Nurses Association na pinangungunahan ni Jennifer Lopez ay tumutulong sa mga Filipino nurses sa iba’t ibang bahagi ng Canada para makabalik sa propesyon.
Litrato: RCI/Rodge Cutura
Para makapagtrabaho ang
IENs, ang mga nakapagtapos ng nursing sa labas ng Canada, magkaiba ang pagdadaanan depende sa pagtatasa at pagrehistro sa klasipikasyon na inaplayan bilang nurse sa isang probinsya. Bawat lalawigan ay magkaiba pero karaniwan na kinokompleto ng isang aplikante ang: edukasyon sa nursing, patunay sa trabaho, eksam sa pagrehistro, jurisprudence exam, pagiging bihasa sa wikang Ingles o Pranses, nakalipas na paglabag, kalusugan at gawi. Kasama sa tinitingnan ang citizenship o kaya work permit status ng nais marehistro at makapagtrabaho.Ang huli, ayon kay Lopez, ang nagiging balakid ng karamihan sa There has been a backlog of the immigration status [application]. Now looking at the immigrant status and the licensing process, they should go hand-in-hand. Once the CNO supposedly [is ready to] give their CNO license that should have been a gateway to give them an immigrant status because they are willing to immediately help.
Kaugnay na ulat
Tinukoy ni Lopez na umaabot sa higit limampung
IENs bawat kwarter ng taon ang lumalapit sa kanilang organisasyon para magabayan sa proseso ng pagkuha ng lisensya at makapagtrabaho. Sinabi niya na karamihan sa kanila ay IENs na nag-aaral pa bilang international student, may napaso na ang work permit o kaya ay naghihintay pa ng desisyon sa kanilang immigration status mula sa Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC).Sinabi ni College of Nurses of Ontario (CNO) Spokesperson Kristi Green sa kanyang email sa Radio Canada International na "ginagawa nila ang lahat ng makakaya para mas maraming nurses ang marehistro sa health-care system ng probinsya."
“
CNO is accountable for some parts of the process, while third parties are responsible for others, which can affect timelines. Once an individual’s application is complete, CNO will assess it within 15-30 days,” aniya sa email.Kaugnay na mga ulat
Ontario nagdagdag ng higit 12,000 na bagong nurses kasama ang Pinay na ito
Bowmanville Hospital napilitan isara ang ICU dahil sa malaking staff shortage (bagong window)
Sa huling update noong Pebrero 1, halos anim na libong
IENs sa 10,240 na mga aplikante ang nasa imbentaryo na nagpoproseso para marehistro sa CNO.Hiniling ng Radio Canada International ang datos kung ilan sa registered nurses at registered practical nurses sa probinsya ng Ontario ang may work permit status na malapit na mapaso sa darating na tatlong buwan pero hindi umano sila kumokolekta ng naturang datos.
“
CNO registers nurses who meet all the requirements. If a document such as a work/status permit expires, it is possible to become registered with terms, conditions, and limitations on their registration – and they are not allowed to practice nursing in Ontario until they provide the proper documentation. This aligns with legislation for all our registrants (nurses), which says that if you no longer hold the proper authorization to practice in Ontario, you must stop practicing and notify CNO,” ani Green.Pagre-recruit sa labas ng bansa
Ilang probinsya na ang masigasig na nagre-recruit ng health-care workers sa labas ng Canada. Pumupunta sila sa Pilipinas para sa isang targeted health-care workers recruitment mission.
Nakatakdang bumisita sa Pilipinas sa susunod na linggo, Pebrero 21 hanggang 25, ang delegado mula sa probinsya ng Manitoba. Bibisita ang delegasyon sa mga siyudad ng Maynila, Cebu at Iloilo para kausapin ang pre-screened na nurses.
Kaugnay na ulat
Noong unang linggo ng Disyembre ay kinumpirma naman ng isang release ng Saskatchewan Health Authority na 128 na Pilipinong registered nurses ang kanilang inalok magtrabaho sa probinsya matapos ang isinagawang recruitment mission.
Ilang employers sa mga probinsya ng Nova Scotia at Ontario ang unang nagpahayag na maghahanap sila ng kwalipikadong nurses sa Pilipinas para magtrabaho rito.
Umaasa si Estela Mariz Laurena, nakatira sa Brampton at isang registered nurse sa Pilipinas, na kasabay ng mga nagbukas at inilapit na oportunidad para sa kababayang nurses sa bansa ay susuportahan ang
IENs tulad niya na nasa Canada na ngayon.
Higit isang taon na nagtatrabaho bilang caregiver si Estela Mariz Laurena sa North York, Ont. matapos siyang mag-aral bilang international student.
Litrato: Isinumite ni Stella Mariz Laurena
Kung makakausap ko sila sana i-extend din nila sa mga IENs na nandito na sa Canada. Hindi mo na kami kukunin pa sa Pilipinas,
sabi ni Laurena.
Ang mataas na gastos na kakailanganin ang dahilan kung bakit napilitan si Laurena na itigil ang naumpisahan na pagproseso noong nakaraang taon. Medyo disappointed, kahit mga kaklase ko dati mga IENs din po sila na currently may experience pa. Kasi bago pumunta dito nurses [rin sila] … lahat kami na-stuck sa pagke-caregiver,
dagdag niya.
Unang naiulat (bagong window) sa CBC News noong Nobyembre na ang pederal at probinsyal na gobyerno ay gumagastos ng milyong-milyong dolyar para suyuin ang nurses sa ibang bansa na magtrabaho sa Canada sa pamamagitan ng mga kampanya na mag-recruit, gawing prayoridad ang nurses sa immigration pathways at bigyan din sila ng monetary grants.
Ang Again, I am always optimistic whatever [the] government is doing in terms of recruitment and retention. However, we need to address the issue. The thing is we have nurses back home who are caregivers here in Canada. Why don't we embrace those ones? Give them authorization to work and shorten the licensing process,
sabi ni Lopez.