1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Mga insidente at natural na kalamidad

Canada tatapatan ng hanggang $10 milyon ang mga donasyon para sa earthquake relief

Mahigit 11,000 katao ang namatay sa lindol na tumama sa Turkey at Syria

Mga rescue team sa ibabaw ng nawasak na gusali.

Ang emergency team members at iba pang mga tao hinahanap ang mga tao sa nawasak na gusali sa Adana, Turkey noong Pebrero 6, 2023 (archives).

Litrato: Khalil Hamra/The Associated Press

RCI

Sinabi ng pederal na gobyerno ng Canada na tatapatan nito ng hanggang $10 milyon ang mga donasyon sa Canadian Red Cross para sa earthquake relief efforts sa Turkey at Syria.

Sinabi ng gobyerno sa isang news release (bagong window) na tatapatan nito ang mga donasyon sa Earthquake in Türkiye and Syria Appeal (bagong window) ng naturang humanitarian organization sa pagitan ng Pebrero 6 at 22.

Ang kritikal na mga pondong ito ay pahihintulutan ang Red Cross at Red Crescent Movement na suportahan ang kagyat at nagpapatuloy na humanitarian efforts, sabi sa news release.

Nananatiling malapit ang pakikipag-ugnayan ng Canada sa humanitarian partners nito sa ground at patuloy na tutugon sa krisis.

Sumunod ang anunsyo sa bukod na pangako ng pederal na gobyerno na $10 milyon na aid para sa earthquake efforts. Mahigit 11,000 katao ang nasawi na ngayon dahil sa lindol, na ginawa itong pinakanakamamatay na lindol sa buong mundo sa loob ng higit isang dekada.

Sinabi ni International Development Minister Harjit Sajjan noong Martes na hinihintay ng gobyerno ang assessments mula sa United Nations teams na nasa ground sa Turkey at Syria bago ito gumawa ng desisyon tungkol sa pagpapadala ng medical at search and rescue teams.

Nang kausapin ang mga reporter ngayong Miyerkules, sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na ina-assess pa ng gobyerno ang sitwasyon.

Mula sa umpisa, nakikipag-usap na tayo sa ating diplomatic staff, sa counterparts natin doon, nakikipagtulungan sa international community sa pagkuha ng tulong na kinakailangan, sa tamang paraan, sinabi ni Trudeau sa mga reporter.

Nandito tayo para tumulong. Tinitingnan lang natin ang pinakamahusay na paraan para gawin ito.

Isang artikulo ni Richard Raycraft (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita