1. Home
  2. Lipunan
  3. Sports & Leisure

Parks Canada ilulunsad ang bagong booking system sa Marso

Ilulunsad ang bagong sistema sa Marso 13 at ang summer reservations ay naka-spread out sa loob ng 2 linggo

Mga tent sa gitna ng kagubatan.

Ang bagong reservations system ng Parks Canada ay ilulunsad sa Marso 13, ang bookings ay naka-spread out sa loob ng dalawang linggo para maiwasan ang pag-overload ng website.

Litrato: Shutterstock / TDway

RCI

Ang updated na Parks Canada booking system ay maaaring pasayahin ang mas maraming campers ngayong summer, pero ang ibang outdoor enthusiasts ay nakakita pa rin ng room for improvement — kasama ang mas mahigpit na stance sa no-shows o mga hindi sumisipot.

Sa Marso 13, ilulunsad ng Parks Canada ang mas modernong reservation system para sa camping, cabin at outdoor activities, at ang mga booking ay naka-spread out sa loob ng dalawang linggo, para makatulong na limitahan ang website traffic.

Ang bagong sistema ay nilikha sa loob ng mahigit tatlong taon, kasama rito ang mga hakbang upang limitahan ang bilang ng mga reservation na maaaring gawin ng isang indibidwal sa isang pagkakataon.

Binago ito matapos gumawa ng 2,300 reservations ang anim na tour companies sa loob lamang ng ilang oras noong 2020.

Importanteng mga petsa para sa Parks Canada reservations:

  • Bago Pebrero 26: Mag-log in sa iyong existing account at ilista ang anumang paboritong campsites at mga aktibidad (ang impormasyon na ito ay mawawala kapag inilunsad na ang bagong booking platform).
  • Marso 3 onwards: Lumikha ng bagong account sa bagong reservations website ng Parks Canada.
  • Marso 13-31: Magbubukas ang reservations para sa camping spots, park accommodation at outdoor activities. Ang mga petsa at oras ay mag-iiba depende sa lokasyon (bagong window).

Basahin ang iba pang detalye rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita