1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Trudeau inihain ang halos $200B na kasunduan para ayusin Canadian health care

Premiers 'dismayado' sa kulang daw na bagong podo ngunit humiling ng oras para i-assess ang proposal ng Canada

Justin Trudeau nagsasalita sa mikropono habang nasa background si Jean-Yves Duclos at mga babaeng health worker.

Prime Minister Justin Trudeau, sinamahan ni Health Minister Jean-Yves Duclos, sa isang press conference sa pag-anunsyo ng pagtaas sa mga federal health transfer, Pebrero 7, 2023 (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld

RCI

Inanunsyo ni Prime Minister Justin Trudeau noong Martes na ang pederal na gobyerno ay nakahanda na gumastos ng $196.1 bilyon (bagong window) sa health care sa susunod na dekada — kasama ang $46.2 bilyon na bagong spending bukod sa pondo na nasa budget na.

Kasunod ng kanilang meeting kay Trudeau, sinabi ng mga premier na nais nila ng kaunti pang oras para i-assess ang federal proposal.

Sinabi rin nila na nais nilang makita ang pederal na gobyerno na maglagay ng dagdag na pera.

Sinabi ni Manitoba Premier Heather Stefanson, ang kasalukuyang pinuno ng Council of the Federation — ang grupo na kumakatawan sa mga premier — na sila ay dismayado sa halaga ng proposal ni Trudeau.

Basahin ang analysis ng proposal mula kay Aaron Wherry ng CBC (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita