1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Mga insidente at natural na kalamidad

Canada magbibigay ng $10 milyon na earthquake aid sa Turkey at Syria

Sinabi ng minister na magpapadala ang gobyerno ng medical, search at rescue teams

Mga bata at matatanda na nakaupo sa kalsada katabi ng gumuhong gusali sa harap ng apoy.

Nakaupo ang mga tao sa site ng isang gumuhong gusali kasunod ng isang lindol sa Kahramanmaras, Turkey noong Peb. 7, 2023.

Litrato: Reuters / Suhaib Salem

RCI

Sinabi ni International Development Minister Harjit Sajjan na ang pederal na gobyerno ay magbibigay ng inisyal na $10 milyon na tulong sa Turkey at Syria kasunod ng isang lindol na kumitil sa buhay ng libo-libong tao sa dalawang bansa.

Sinabi ni Sajjan na tinitingnan din ng gobyerno ang pagpapadala ng medical at search and rescue teams, pero kailangan na muna nitong matanggap ang assessment mula sa United Nations disaster response teams sa rehiyon.

"Sa ngayon, kailangan natin magsagawa ng mga assessment. Lahat ng impormasyon ay kailangan makita,” ani Sajjan sa mga reporter noong Martes.

Wala tayong hindi ikokonsidera. Titingnan natin ang anumang options.

Hindi nagbigay ng estimate si Sajjan kung gaano katagal aabutin ang assessment.

Ang 7.8-magnitude na lindol ay tumama sa timog-silangang Turkey at sa katabi nitong bansa na Syria noong Linggo at ang death toll ay tumaas na sa mahigit 5,000 mula noon. Sinabi ng disaster management agency ng Turkey na mahigit 24,400 emergency personnel ang nasa ground ngayon sa bansa.

PANOORIN | Sinabi ni Sajjan na ‘walang hindi ikokonsidera’ sa pagtulong sa Turkey:

Sinabi ni Sajjan na habang ang nagpapatuloy na digmaang sibil sa Syria ay isang complicating factor, dati nang inanunsyo ng Canada ang $50 milyon na aid sa Syria na maaaring suportahan ang earthquake relief efforts. Dagdag pa niya ang Canadian aid sa Syria ay ibibigay sa pamamagitan ng Syrian Arab Red Crescent, ang International Red Cross organization sa bansa.

Sinabi naman ni Immigration, Refugees and Citizenship Minister Sean Fraser na tinitingnan ng kanyang departamento kung may mga taong nais mag-migrate sa Canada mula sa Syria ang naapektuhan ng lindol at ano ang maaaring gawin para sa kanila.

Wala pa tayong full picture nun sa ngayon. Inaasahan ko na sa mga susunod na araw magkakaroon na tayo ng better understanding kung ang mga tao na magtutungo sa Canada ay naapektuhan, at ano ang kailangan nating gawin na iba para matugunan ang kanilang mga pangangailangan, sinabi niya sa mga reporter ngayong Martes.

Isang artikulo ni Richard Raycraft (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mual sa Associated Press

Mga Ulo ng Balita