- Home
- Kapaligiran
- Oceania
Canada inanunsyo ang $46.5 milyon para sa deep sea research
Ang 5 taon na commitment ay para palakasin ang ‘medyo maliit’ na pagkakaunawa sa marine environment

Ang bagong federal funding para sa deep sea research ay naglalayon na tulungan ang Canada na makakuha ng mas malinaw na larawan kung paano nagbabago ang ecosystem at paano sustainably ima-manage ang resources.
Litrato: Thierry Boyer/Parks Canada
Mag-i-invest ang pederal na gobyerno ng Canada ng mahigit $46 milyon sa susunod na limang taon para makita kung ano ang nasa ilalim ng mga karagatan ng Canada at magdebelop ng mga proteksyon.
Sinabi ni Fisheries Minister Joyce Murray na ang pag-unawa sa marine environment ay medyo maliit
dahil kung iisipin kinokober ng karagatan ang 70 porsyento ng ibabaw ng daigdig.
Nagsalita sa isang Vancouver news conference sa International Marine Protected Areas Congress, sinabi ni Murray na pahihintulutan ng investment ang Canada na makakuha ng mas malinaw na larawan kung paano nagbabago ang ecosystem at paano sustainably na pamamahalaan ang resources.
Ang pondo ay magmumula sa $3.5 bilyon na Ocean Protection Plan ng gobyerno.
Sinabi ni Kate Moran, ang CEO ng Ocean Networks Canada ng University of Victoria, na gagamitin ang $46.5 milyon upang kumalap ng datos tungkol sa deep ocean para sa siyentipikong pananaliksik, pagdedesisyon ng gobyerno at pagsuporta sa ocean industries ng Canada.
Sinabi niya na pag-aaralan ng Ocean Networks Canada ang currents, marine safety at incident response, ocean sound information para maiwasan ang pinsala na dulot ng human noise sa marine life at ocean monitoring para sa coastal communities.
Palalakasin ng bagong funding ang mahahalagang pambansang prayoridad na ginagawang totoo ang koneksyon sa pagitan ng ocean science at mga komunidad,
ani Moran sa news conference noong Lunes.
Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.