- Home
- Kalusugan
- Kanser
Pag-aaral binunyag ang seryosong cancer research gaps para sa Black Canadians
Walang datos kung paano nakakaapekto sa Black people ang 20 pinaka-common na kanser sa Canada

Walang datos kung paano naaapektuhan ang Black people ng 20 most common cancers sa Canada, ayon sa bagong pag-aaral ng Interdisciplinary Centre for Black Health ng University of Ottawa.
Litrato: Getty Images / Michele Cattani/AFP
Walang datos kung paano ang 20 pinakakaraniwan na kanser sa bansa ay naaapektuhan ang mga Black na komunidad, ayon sa isang bagong pag-aaral mula sa University of Ottawa.
Ang pag-aaral ng Interdisciplinary Centre for Black Health (ICBH) ay nakapokus sa iba’t ibang uri ng kanser kabilang ang breast, cervical, colorectal, gastric, lung at prostate cancers sa mga Black na indibidwal.
"Napag-alaman namin ... na may totoong gap noong ikinumpara namin ang [cancer] research sa loob ng Black communities at ang research sa ibang mga komunidad," ani Jude Mary Cénat, isang associate professor sa school of psychology ng unibersidad at direktor ng
ICBH.Naghanap ang mga researcher ng datos tungkol sa incidence, stage ng kanser at diagnosis, uri ng pangangalaga na natatanggap at iba pang factor.
Ayon kay Cénat, nadiskubre nila na may "racial disparities" kaugnay ng screening para sa ilang uri ng kanser na nakakaapekto sa kalidad ng health care na natatanggap ng Black people.
Kung ihahambing, ani Cénat, salamat sa research na isinagawa sa Estados Unidos, ang breast cancer ay napag-alaman na mas agresibo sa mga Black na kababaihan kaysa sa mga puting kababaihan. Bilang resulta, ang health-care guidelines sa Estados Unidos ay binago para magkaroon ng mas maagang screening para sa mga Black na babae.
"Kung walang research, ang pangangalaga ay hindi maa-adapt ... [at] hindi tayo puwedeng maglagay ng prevention measures na adapted sa mga tao sa Black communities," aniya, dagdag pa ni Cénat may urgent need para sa katulad na datos sa Canada.
Napag-alaman din ng pag-aaral na ang mga miyembro ng Black communities ay less likely na boluntaryong isi-screen para sa kanser kaysa sa kanilang white counterparts.
Bilang resulta, sila ay huli nang nakakatanggap ng diagnoses na nagpapataas sa mortality rates sa naturang mga Black na komunidad.
Ang bagong pag-aaral (bagong window) ay inilathala sa American Cancer Society Journal.
Inirerekomenda nito na "dapat ikonsidera ng pederal at probinsyal na mga gobyerno ang paglikha ng espesyal na pondo para mag-generate ng mga pananaliksik sa importanteng isyung pangkalusugan na ito."
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.