1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Trabaho

Google sinabihan ang Canadian employees na parte ng global layoff na 12,000 workers

Ipinakita sa LinkedIn posts na software engineers, UX designers sa Kitchener, Ont., ang nawalan ng trabaho

Logo ng Google.

Google Canada spokesperson Lauren Skelly kinumpirma na nagpadala na ng notifications sa staff na matatanggal sa trabaho (archives).

Litrato: Reuters / Andre Kelly

RCI

Ang Canadian na Google employees na naapektuhan ng inanunsyong job cuts kamakailan ay sinabihan na noong Lunes kung sila ay matatanggal sa trabaho.

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Google Canada na si Lauren Skelly sa isang email na ang notifications ay ipinadala na sa staff na apektado ng layoff na inanunsyo noong nakaraang buwan.

Hindi sinabi ni Skelly kung ilang Canadians ang nakatakdang mawalan ng trabaho at kung saang mga departamento o siyudad sila nagtatrabaho, pero nabanggit niya na ang Canada ay nananatiling importante at prayoridad na merkado para sa Google.

Gayunpaman, ipinakita ng LinkedIn posts na mga software engineer at user experience designer sa Kitchener ang kabilang sa mga nawalan ng trabaho.

Sinabihan ni Sundar Pichai, ang chief executive ng Google at parent company nito na Alphabet, ang mga staff noong kalagitnaan ng Enero na ang kanyang kompanya ay sisibakin ang 12,000 na manggagawa.

Ilang araw matapos ang anunsyo, ibinahagi ng Google na isasara nito ang opisina sa Edmonton, na pagmamay-ari ng kanilang artificial intelligence subsidiary na DeepMind.

Plano ng U.K.-headquartered subsidiary na pagsamahin ang natitirang operasyon, pero mananatili ang kanilang opisina sa Montreal at Toronto, na matatagpuan sa loob ng Google-managed na mga gusali.

Ang mga researcher sa opisina sa Edmonton ay inalok ng pagkakataon na lumipat sa isa pang DeepMind site, ani Skelly.

Ang iba pang kompanya na nagtanggal ng staff o nag-reorganize ng mga operasyon nitong mga nakaraang buwan habang nag-shift ang investor at economic sentiments ay ang Shopify, Netflix, Amazon, Wealthsimple, Clearco at Hootsuite.

Ayon sa layoffs aggregator na Layoffs.fyi 94,838 na mga manggagawa sa 297 global tech companies ang nawalan ng trabaho ngayong taon.

Isang artikulo ni Tara Deschamps (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita