1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Canada imumungkahi ang 10-year health-care funding plan sa mga probinsya, teritoryo

Magkikita ang premiers at si Prime Minister Justin Trudeau sa Ottawa sa Martes para pag-usapan ang plano

Justin Trudeau sa podium at may mga watawat ng Canada sa kanyang background.

Canadian Prime Minister Justin Trudeau (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld

RCI

Magpo-propose ang pederal na gobyerno ng Canada ng isang plano na tatakbo sa loob ng isang dekada para pondohan at ipatupad ang reporma sa health-care system kapag nakipagkita si Prime Minister Justin Trudeau sa mga premier sa Ottawa sa Martes, ayon sa sources na may nalalaman tungkol sa plano.

Ang federal proposal ay makakakita ng pagdaloy ng bagong pera na maaaring dumating sa susunod na budget. Kabilang dito ang dagdag sa pinlanong across-the-board increase sa Canada Health Transfer (CHT) at substantial na pondo para sa bilateral agreements sa mga probinsya at teritoryo para tugunan ang kanilang espisipikong pangangailangan.

Sinabi ng sources na ang proposed Canada Health Transfer increases, at ang bilateral health deals, ay kapwa tatakbo ng 10 taon.

Ang health-care funding ay isang kontrobersyal na paksa sa pagitan ng mga probinsya at pederal na gobyerno. Ang mga epekto ng pandemya sa isang strained system ay ginawang mas urgent ang pagdating ng bagong funding agreement.

Sa Martes, magkikita ang mga premier sa Ottawa kasama si Prime Minister Justin Trudeau para isulong ang mga plano na tutugon sa parehong long- at short-term na mga hamon na hinaharap ng delivery ng health care sa Canada.

Ngayong Lunes, sinabi ni Trudeau na inaabangan niya ang pakikipag-usap sa mga premier na inilarawan niya bilang isang working conversation sa parehong lebel ng gobyerno na maaaring pagandahin ang outcomes para sa Canadians.

Nandoon tayo para maglagay ng mas malaking pera on the table pero importante rin na siguraduhin na ang pokus ay nasa mga resulta at outcomes para sa Canadians, aniya.

Sinabi ni Trudeau na ang kanyang gobyerno ay makikipagtulungan sa mga probinsya sa mga darating na linggo para ayusin ang mga detalye ng bagong funding agreement at ipahayag ang confidence na kaya ng Canada na i-boost ang health-care funding.

Magkakaroon ng increases sa pondo na ipinapadala natin sa mga probinsya para sa health care, ani Trudeau. Hindi niya sinabi kung gaano kalaki ang magiging boost na iyon.

Mga sticking point

Isang major sticking point ay ang mga negosasyon na naging baseline para sa health-care funding sa Canada. Hiniling ng mga probinsya mula sa pederal na gobyerno na dagdagan ang share ng Canada Health Transfer sa total public health spending mula 22% patungong 35%.

Sinabi ng pederal na gobyerno na mag-aalok ito ng mas maraming pera ngunit itinanggi ang claim na binabayaran lamang nito ang 22% ng gastos sa health-care. Sinabi ng Canada na ang tax points na nilipat sa mga probinsya noong 1977 ay dinala ang federal share na mas malapit sa 38%.

Ang pangalawang major sticking point ay tungkol sa paglalagay ng mga kondisyon sa anumang dagdag na pondo. Sinabi ng pederal na gobyerno na gusto nilang maging targeted ang paggamit ng dagdag na pondo sa mga espisipikong area.

Umalma naman ang mga probinsya sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na ang probisyon sa health care ay isang provincial responsibility. Ngunit ang Quebec at Ontario ay nagpakita ng willingness na salubungin ang pederal na gobyerno half-way.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo nina David Cochrane (bagong window), Peter Zimonjic (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita