- Home
- Lipunan
- Paglahok sa Komunidad
Filipino at Canadian tandem nanalo sa int’l ice sculpting competition sa Winnipeg
‘Kailangan natin ipagdiwang ang winter,’ sabi ng organizer

Winnipegger Bradley Froehlich nakatayo sa harap ng eskultura ng isang archer na kanyang nilikha kasama ang Pilipinong teammate na si Victor Dagatan ng Orlando, Fla., na nanalo sa kompetisyon.
Litrato: CBC News / Justin Fraser
Ang mga artist mula sa buong mundo ay nasa Winnipeg, Manitoba para sa pinakaunang international ice carving competition sa siyudad.
Ang Winterscape International Ice Carving Competition ay naganap sa Upper Fort Garry Park noong weekend, kung saan ang mga team mula sa Pilipinas, Canada, the Netherlands, Malaysia at Mexico ay busy na naglililok ng yelo.
Ito ay isang bagay na hindi mo nakikita in person dito, sa ganitong scale anyway,
sinabi ni Corby Pearce sa CBC News, ang organizer ng event.
Siya ay lumalahok sa ice sculpting competitions sa buong mundo sa loob ng 25 taon, aniya, at ginugol ang huling limang taon upang tuparin ang pangarap na dalhin ang isang international competition sa Winnipeg.
Nais niya na maging permanente ang kompetisyon sa siyudad taon-taon.
Kailangan namin ito. Kailangan namin na ipagdiwang ang winter. Kailangan namin kunin kung ano ang meron dito and make the most of it. Ito ay yelo mula sa aming ilog,
aniya.
25 na bloke ng yelo na may timbang na 1,500 pounds bawat isa ang nililok sa parke noong weekend.
Sina Victor Dagatan at Bradley Froehlich ay dalawang carver na kasali sa kompetisyon noong weekend. Sila ay lumilok ng isang pigura ng archer, na inuwi ang top honours sa kompetisyon.
Si Dagatan, isang Pilipino na nakatira sa Orlando, Florida, ay ikinuwento na nawala at nilipad ang kanyang mga template ng malamig na hangin noong Biyernes at kinailangan niyang lumilok ng freehand.
Mahirap ang preparasyon dahil kailangan mo rin patalasin ang lahat ng iyong tools.
Sinabi ni Dagatan na ang paglililok o carving ay isang outlet para sa kanya.
Katulad ng isang bata, kailangan mong pumunta at maglaro.
Si Froehlich, isang Winnipegger, ay sinabi na siya ay kabaligtaran ng isang snowbird. Snowbird ang tawag sa mga taong tumatakas sa taglamig at pumupunta sa mas maiinit na lugar kapag winter.
Ang ilang tao nagpupunta sa Mexico — kami naghahanap ng malamig na weather.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Bahagi ng artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.