- Home
- Politika
- International Politics
Russia sanctions ng Canada tinamaan ang mga tao na walang koneksyon sa giyera ni Putin
Canadian residents nakikiusap na i-release ang assets sa pagkaka-frozen matapos ipatupad ang sanctions

Ang Alfa-Bank building sa Minsk, Belarus noong Nobyembre 15, 2016.
Litrato: Reuters / Vasily Fedosenko
Ang economic sanctions ng Canada laban sa Russia — na ipinatupad upang i-target ang mga asset ng mayayamang oligarko at opisyal ng gobyerno — ay tinamaan ang personal na pananalapi ng mga tao na walang kaugnayan sa rehimen ni Putin, napag-alaman ng CBC News.
Ang ilang Canadian na residente na walang koneksyon sa gobyerno ng Russia at hindi sinusuportahan ang giyera ni President Vladimir Putin sa Ukraine ay sinabi na ang kanilang personal savings ay frozen dahil sa pagpapatupad ng sanctions ng Global Affairs Canada.
Umakto kasama ang iba pang Western allies, hinarang ng Canada ang lahat ng financial dealings at ifrineeze ang Canadian-held accounts na may kaugnayan sa isang listahan ng mga sanctioned individuals at business entities — isang listahan na ngayon ay may 2,100 na pangalan na.
PANOORIN | Permanent resident sinabi na siya ay nawawalan na ng pag-asa:
Nakausap ng CBC News ang apat na indibidwal na hindi pinangalanan sa listahan at hindi inakusahan na sinusuportahan ang rehimen ni Putin. Hindi raw nila ma-access ang libo-libong dolyares na personal savings dahil ang kanilang mga bangko sa Russia at Kazakhstan ay nasangkot sa sanctions ng Canada.
Sinusuportahan ko ang Ukraine dito. A lot,
ani Natasha, na orihinal na nagmula sa Belarus ngunit lumipat sa Saint Petersburg para mag-aral sa unibersidad. Sinabi niya na siya at ang kanyang asawa ay inalok ng trabaho sa tech sector sa Canada at umalis sila sa Russia noong 2020, para maghanap ng mas maganda at mas ligtas na buhay.
Sumang-ayon ang CBC News na hindi gamitin ang kanilang apelyido o ipakita ang kanilang mukha dahil si Natasha ay nag-aalala ukol sa seguridad ng kanyang trabaho.
Si Natasha at ang kanyang asawa ay nag-apply, pero hindi pa natatanggap, ang kanilang permanent residency sa Canada. Dahil sa malakas na emosyon na pinupukaw ng giyera sa Ukraine, natatakot rin daw siya sa online harassment.
Ilang linggo bago nilusob ng Russia ang Ukraine, nag-alala si Natasha tungkol sa pagkawala ng kanyang savings na iniwan niya at ng kanyang asawa sa Alfa-Bank, ang pinakamalaking pribadong bangko sa Russia — na nasa pagitan ng $80,000 at $133,000 Cdn, aniya.
- ANALYSIS Canada maaari na ngayon kumpiskahin, ibenta ang Russian assets. Ano’ng susunod? (bagong window)
- Move ng Canada para kumpiskahin ang assets mula sa Russian oligarch maaaring subukin ang charter law: trade lawyer (bagong window)
Dahil sa kasaysayan ng kung saan ako nagmula, naisip ko lang na magiging risky na magkaroon ng kahit anuman doon,
aniya.
Sinimulan niya ang proseso ng paglipat ng kanyang pera sa isang Canadian account. Pero ang transfer ay hindi pa natapos pagsapit ng Pebrero 24 — nang pinagbawalan ng sanctions ng Canada ang mga Canadian mula sa pagsasagawa ng transaksyon sa Alfa-Bank. Ang kanyang pera ay na-block at naging frozen.
Ang kanyang aplikasyon para sa isang exemption ay parte ngayon ng lumalaking backlog sa Global Affairs, habang nakiusap ang non-sanctioned na mga indibidwal para sa ministerial permits upang i-release ang kanilang personal savings. Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.