- Home
- Pandaigdig
- Mga insidente at natural na kalamidad
Malakas na lindol pinatay ang libo-libong tao sa Turkey at Syria
Mahigit 2,300 ang namatay habang gumuho ang mga gusali nang lumindol ng madaling araw

Isang lalaki dala-dala ang batang babae matapos ang malakas na lindol, sa bayan ng Jandaris, Syria, ngayong Lunes.
Litrato: Reuters / Khalil Ashawi
Isang malakas na 7.8-magnitude na lindol ang yumanig sa timog-silangang Turkey at hilagang Syria noong madaling araw ng Lunes, gumuho ang daan-daang gusali at namatay ang mahigit 1,900 katao. Daan-daan ang pinaniniwalaan na na-trap sa ilalim ng rubble, at ang death toll ay inaasahan na tataas habang ang rescue workers ay nagsasagawa ng search sa mga nawasak na gusali at bahay sa mga siyudad at bayan sa buong area.
Sa bawat panig ng border, ang mga residente ay nagising mula sa kanilang pagkakatulog ng isang lindol na tumama ng madaling araw at lumabas sa malamig, maulan at snowy na winter night, habang gumuho ang mga gusali at nagpatuloy ang malakas na aftershocks.
Ang mga rescue worker at residente sa ilang siyudad ay naghanap ng mga survivor, nagsagawa ng rescue sa gitna ng buhol-buhol na metal at higanteng tambak ng kongkreto. Isang ospital sa Turkey ang gumuho at ang mga pasyente, kabilang ang mga sanggol, ay nilikas mula sa mga pasilidad sa Syria.
Dahil ang debris removal efforts ay nagpapatuloy sa maraming gusali sa earthquake zone, hindi natin alam kung gaano ang itataas ng bilang ng mga namatay at nasaktan,
ani Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa isang televised na talumpati. Umaasa kami na makakarekober tayo mula sa sakuna na ito na may least loss of life possible.
Sa siyudad ng Adana sa Turkey, isang residente ang nagsabi na tatlong gusali malapit sa kanyang tahanan ang gumuho.
Wala na akong lakas,
maririnig ang survivor mula sa ilalim ng mga durog na bato habang sinusubukan ng mga rescue workers na abutin siya, sabi ng residente, ang journalism student na si Muhammet Fatih Yavus.
Sa silangang bahagi ng Diyarbakir, ang cranes at rescue teams ay inilabas ang mga tao sa stretchers mula sa gabundok na napiping concrete floors na dati ay isang apartment building.
Sinukat ng U.S. Geological Survey ang lindol ngayong Lunes sa 7.8. Humigit-kumulang 20 aftershocks ang sumunod.
PANOORIN | Aftershock tumama habang naghahanda ang isang CBC News reporter na umere:
Basahin ang iba pang detalye rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.