- Home
- Ekonomiya
- Consumption
[Ulat] Pilipinong konsyumer nagbawas sa paggastos dahil sa inflation, interest rates
Tinanong namin ang isang Filipino Canadian economic expert tungkol sa post-pandemic na ekonomiya ng Canada

Sa isang supermarket, sinusuri ng Filipino Canadian na si Eden Berou ang presyo ng mga bilihin sa Toronto, Ont.
Litrato: Radio Canada International / Rodge Cultura
Ang tumataas na presyo ng pagkain at ibang pangunahing bilihin na sinamahan pa ng pagtaas ng interest rates ang malaking alalahanin para sa Canadians ayon sa resulta ng Canadian Survey of Consumer Expectations kamakailan. Ipinaliwanag naman ng isang Filipino Canadian na ekonomista bakit sa paniwala niya isang "mild recession" ang magaganap sa susunod na 12 buwan.
Sa isang supermarket, sinusuri ni Eden Berou, isang Pilipino na nakatira sa Toronto, Ont., ang presyo ng pagkain at iba pang bilihin na patuloy na tumataas.
Sa groceries nagkukumpara ako. Kunwari kanina, may dalawang cabbage, Korean at Chinese cabbage, tapos mas mura ang per pound ng Korean cabbage [kaya] mas pinili ko [ito],
sabi niya.

Bumili si Eden Berou ng mga prutas at gulay sa isang supermarket.
Litrato: RCI/Rodge Cultura
Nagtatrabaho bilang Business Analyst sa isang insurance company si Eden. At para may pandagdag sa kanyang kita ay nagtatrabaho rin siya sa isang maliit na Filipino restaurant.
Malapit sa kanyang tirahan kaya nilalakad lang niya ito sa tuwing bumibili sa tindahan. Nakakatulong ito para makatipid ngayon na wala pa siyang sariling sasakyan.
Ako kasi 'yung buyer na tinitingnan ko muna ang price bago bilhin ‘di tulad ng asawa ko na hindi na nagtsetsek ng presyo,
dagdag niya.
Pero kahit pa raw tsinetsek niya ang presyo ng mga bilihin lagi niyang kinukuha ang gusto at ang mga kailangan pagdating sa pagkain.
Sa inilabas na Canadian Survey of Consumer Expectations nitong Enero dumadami ang nagsasabi na nagpaplano silang patuloy na bawasan ang paggastos o kaya ay ipagpaliban ang pagbili dahil sa mataas na inflation at interest rates. Ini-report sa survey na sa nakalipas na anim na buwan, sinabi ng 87% ng respondents na magbabawas sila ng gastos sa biyahe, tirahan, food service at libangan, 73% ang nagsabi na magbabawas ng gastos sa kasuotan at footwear habang 58% naman ang nagsabi na magbabawas ng gastos sa groceries.

Mas mataas na interes at inflation dahilan para ang mga konsyumer ay bawasan ang gastos sa mga produkto.
Litrato: Source: Statistics Canada
Ayon sa resulta ng survey lumalabas na marami ang nagbawas sa pagbili ng discretionary na mga bagay para mas may pambayad sa pangangailangan. Tumaas ang bilang ng mga nagsabi na dahil sa inaasahang inflation at interest rates ay plano nilang ipagpaliban o magbawas ng gastos. Higit sampung puntos ang itinaas sa mga nagsabi na nagpaplano silang magbawas ng gastos mula 52% noong ikaapat na kuwarter ng 2020 naging 64% sa parehong mga buwan noong 2022. Ang survey ay ginawa mula Oktubre hanggang Nobyembre 2022. Ginawa ang follow-up na panayam sa respondents mula Nobyembre hanggang Disyembre noong nakaraang taon.
Ayon sa Statistics Canada nasa 6.8% ang annual average ng Consumer Price Index (bagong window) (CPI) para sa 2022 kumpara sa 3.4% noong 2021 at 0.7% noong 2022. Ipinapakita sa CPI ang malaking itinaas sa presyo ng bilihin na nararanasan ng Canadians. Ang itinaas noong 2022 ay higit na mataas sa nakalipas na 40 taon batay sa snapshot sa presyuhan, sa mga nagdaan na taon, sa halaga ng bilihin at serbisyo na binabayaran ng konsyumer.
Kaugnay na mga ulat
- Grocery price freeze tapos na — maghanda sa pagtaas ng pagkain
- Korapsyon, dagdag investments dapat tutukan sa ekonomiya ng PH: Pinoy biz group
Pinanggagalingan ng inflation, epekto sa presyuhan sa Canada
Ayon kay Cesar Polvorosa Jr., isang Filipino Canadian na ekonomista at propesor sa Algoma University at Humber College Longo Faculty of Business, ang CPI index (bagong window) ng Canada na pinakamataas na naitala sa loob ng 40 taon.
CPI report para sa 2022 ay likas na naiiba dahil sa inflationary effects ng nangyayaring krisis at bihirang pagtaas ngSinabi ni Polvorosa na hindi na siya nagulat sa datos ng nagtaasan na bilihin na ipinakita sa
CPI report.Dahil nagsimula sa inflation spiral sa enerhiya, hindi nakakagulat ang ipinakita sa CPI annual review na naging malawak ang pagsipa ng presyuhan at una dito ang gasolina (+28.5%) at ang malaking itinaas sa presyo ng pagkain na mabibili sa tindahan na umabot sa 9.8% na pinakamataas mula 1981,
ani Polvorosa.
Tinawag ni Polvorosa na "perpektong bagyo ng mga kondisyon" ang huling malalaking pangyayari sa nakalipas na tatlong taon na nagdulot sa pagsipa ng inflation. Una niyang pinangalanan ang pandemya at ang global lockdowns na sumira sa supply chains sa buong mundo.
“Nang makawala ang iba't ibang bansa mula sa lockdown, maraming naka-hold na demand ang na-release - ngunit ang magagamit na suplay ng mga produkto mula sa mga sasakyan hanggang sa mga computer chip hanggang sa pagkain ay wala doon dahil hindi pa normal ang supply chain matapos ang lockdowns. Sa parehong panahon, maraming Canadian ang nakatanggap ng financial aid mula sa pamahalaan gaya ng
CERB na kailangan sa panahon ng pandemya. Ang net effect ay nagdulot ng mabilis na pagtaas ng presyo,” sabi ni Polvorosa.Sinabi ni Polvorosa na ang huling tatlong taon ay hindi pangkaraniwan at sobrang nagpahirap sa Canada, Pilipinas, Estados Unidos, at karamihan ng bansa sa buong mundo. Binalot ng pandemya ng COVID-19 ang buong mundo noong 2020 na isang beses sa isang siglo lang nangyayari. At nang patapos na ang pandemya noong unang bahagi ng 2022, ay niyanig naman ang mundo nang lusubin ng Russia ang Ukraine.

Nagtapos ng pag-aaral si Cesar Polvorosa Jr. sa University of the Philippines. Kumuha siya ng graduate studies sa economic policy making and geography sa York University.
Litrato: Rodge Cultura
Sinabi ni Polvorosa na dahil isang major oil producer ang Russia yumanig sa pandaigdigang ekonomiya ang mga ipinataw na kaparusahan ng mga kaalyadong bansa ng Ukaine sa West, kasama ang Canada. Naging dahilan ito para ang demand sa langis ay naging mas mataas kaysa sa suplay kaya malaki ang itinaas sa presyuhan ng langis na ikinabalisa ng mga nagpapa-gas ng kanilang sasakyan.
Ayon kay Polvorosa, nagpalala sa sitwasyon na ang Ukraine ang pangunahing tagasuplay ng butil, patatas at sunflower oil na ang shipment ay apektado ng giyera. Ipinapakita raw nito ang disadvantage ng pagkakarugtong-rugtong sa kadena ng world supply na ang pangyayari sa isang bahagi ng mundo ay ramdam sa North America.
Paglaban sa inflation
Ipinaliwanag ng economic expert na ang restrictive policy ng Bank of Canada sa pamamagitan ng pagtataas ng interest rate ay karaniwang tugon na dapat asahan sa panahon ng inflation.
“Ang mas mataas na interest rate ay nangangahulugan na mas mahal na ang mangutang. Inaasahan na sa mas mataas na gastos sa pangungutang ay hihina ang panghihiram ng konsyumer at pag-invest sa negosyo, na dahil rito maaaring magdulot ito ng mas mababang demand, magreresulta sa pagpapababa ng inflation rates sa huli,” paliwanag ni Polvorosa.
Ang Bank of Canada ay nag-adjust ng Bank Rate na ginawang 4.75% noong Enero 25. Ito ang pangwalo na rate hike sa nakalipas lang na 12 buwan na ayon kay Polvorosa ay "agresibo" dahil sa economic headwinds.
Ang pagbaba ng inflation rate mula 8.1% noong Hunyo na naging 6.3% noong Disyembre ay isa umanong magandang senyales na may epekto na sa ekonomiya ang ginawa ng Bank of Canada na pagtaas sa interest rates.
Pero tumatawid aniya sa lubid ang Bank of Canada dahil ang mababang lebel sa pangungutang ay nangangahulugan din ng paghina ng kalakalan sa negosyo at magdudulot ng mas mataas na unemployment.
Ito ay nagpapakita ng tradeoffs at kumplikasyon sa pagbuo ng ekonomikong patakaran: Ang labis at pinatagal na interest rates ay maaaring overkill na magdudulot ng mas mataas na unemployment at dagok sa ekonomiya, subalit kung huli ang pagpapatupad ng mas mataas na interest rates ng Bank of Canada, at hindi sapat, ang mataas na inflation rate ay hindi masusupil at mabibigo sa pagkamit ng tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya,
sabi ni Polvorosa.
Dalawang dekada noon nagtrabaho sa financial institutions si Polvorosa kasama ang pagiging ekonomista sa economic research sector sa Pilipinas kaya naging pangunahing linya niya ang monetary economics. Isang part-time economic faculty sa St. Scholastica's College at De La Salle University sa Pilipinas at naging executive sa isang bangko si Polvorosa noon bago nagpunta sa Canada. Kumuha siya ng post-graduate studies sa Economic Geography sa York University sa Toronto.
Sinabi ni Polvoroza na walang dahilan para hindi ma-stabilize agad ang ekonomiya ng Canada maliban kung may hindi inaasahan na biglaan na paghina sa pandaigdigang ekonomiya.
Sa short term, kailangan na mapabuti ang ekonomiya ng Canada ng "cooling ng inflation rate." Ang "stabilization" sa pamamagitan ng mababang inflation rate ay kinakailangan para matibay ang pundasyon ng matatag na growth rate, sabi niya.
"Marahil ang kaugnayan sa uri ng inflation na madalas naranasan ay ‘cost push’ o dahil sa nagiging mahal ang inputs, lalo na sa presyo ng langis, imbes na ‘demand pull’ o pagtaas sa presyo dahil sa malaking demand. Kahit may papel ang tumaas na pent-up demand [dahil sa pagkaputol ng supply chain], ang pagtaas sa mga presyo ay nagpatuloy dahil sa gulo sa energy markets mula nang lusubin ng Russia ang Ukraine.”