1. Home
  2. Sining
  3. Musika

Isang Canadian guide sa 2023 Grammy Awards ngayong weekend

Drake, Bieber, Bublé at iba pang Canadian na mga pangalan na maaaring mag-uwi ng Grammys

Drake sa isang concert.

Ang sikat na Canadian rapper na si Drake.

Litrato: Getty Images / Amy Sussman

RCI

Ilang Canadians ang maaaring umuwi mula sa Grammy Awards na may bitbit na mga tropeo sa Linggo, pero ang karamihan sa kanila ay hindi household names.

Habang sina Bryan Adams, Drake at Michael Bublé ay mga contender sa taong ito, marami sa iba pang homegrown nominees sa leader board ay mga propesyonal sa likod ng mikropono na nagdagdag ng pop and fizz sa pinakamalaking records noong nakaraang taon.

Kabilang dito ang Winnipeg-born mixer na si Jesse Ray Ernster na nagtrabaho sa Woman ni Doja Cat ay nominado para sa record of the year, at si Bragg Creek, ang Alberta-raised music engineer na si Shawn Everett na nag-ambag sa 30 ni Adele, ay ilan sa album of the year contenders.

Nariyan din si Tobias Jesso Jr. ng North Vancouver, isang musician na naging matagumpay sa pagsusulat ng mga kanta para sa iba, kabilang sina Adele at Harry Styles na nagbigay sa kanya ng tatlong nominasyon, kasama ang isa para sa songwriter of the year.

Si Adele ay napatunayang good-luck charm para sa visual maestro na si Xavier Dolan, ang acclaimed Montreal filmmaker na idinerehe ang Easy on Me, na may best music video nomination.

Karamihan sa 91 Grammy categories ay ia-award sa Linggo sa isang industry ceremony bago ang broadcast. Ang tinatawag na premiere ceremony, ay iii-stream live sa Grammys website na iho-host ni U.S. comedian Randy Rainbow, na nominado para sa best comedy album. Ang 65th Grammy Awards ay eere sa Citytv at CBS.

PANOORIN | Beyoncé, Kendrick Lamar, Adele top nominees para sa 2023 Grammy Award:

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni David Friend (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita