1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pagbabakuna

COVID-19 vaccine maker Medicago na nasa Quebec, isasara na

Sinisi ng may-ari na Mitsubishi Chemical Group ang mga pagbabago sa vaccine market

Top view ng gusali ng Medicago Inc. na nababalot ng niyebe.

Ang Quebec City-based vaccine maker na Medicago Inc. ay isasara ng may-ari nito na Mitsubishi Chemical Group.

Litrato:  CBC News

RCI

Ang Medicago Inc., isang COVID-19 vaccine manufacturer na may headquarters sa Quebec City, ay isasara na, ibinalita ng parent company nito na Mitsubishi Chemical Group noong Huwebes.

Noong isang taon, ang plant-based COVID-19 vaccine ng Medicago, na tinatawag na Covifenz, ay naaprubahan ng Health Canada, at ito ay ipinagmamalaki bilang isang homegrown na bakuna laban sa SARS-CoV-2.

Noong Marso, nagdesisyon ang World Health Organization na hindi tanggapin ang COVID-19 vaccine ng Medicago para sa emergency use, dahil sa koneksyon nito sa big tobacco.

Ang Marlboro cigarette manufacturer na Philip Morris International ay dating shareholder ng Medicago, pero tinanggal nito ang lahat ng kanilang shares sa naturang kompanya noong huling bahagi ng 2022.

Nag-isyu ng pahayag ang Mitsubishi Chemical Group noong Huwebes at sinabi na may mahahalagang pagbabago sa vaccine market at, kasunod ng isang komprehensibong analysis ng kasalukuyang global demand, nagdesisyon ang grupo na hindi na ipagpatuloy ang pagma-market sa Covifenz at ihinto na ang lahat ng aktibidad ng Medicago.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita