- Home
- Politika
- Mga baril
Canada inurong ang kontrobersyal na pagbabago sa firearms law
Sinabi ng mga kritiko na ang mga pagbabago ay iba-ban ang ilang long guns na ginagamit ng Canadian hunters

Ang probisyon sa C-21 ay iba-ban ang lahat ng baril na may muzzle diameter na higit 20mm na ipagbabawal ang ilang hunting shotguns tulad nitong Joseph Lang 8-gauge waterfowling gun.
Litrato: Westley Richards & Co.
Inurong ng Liberal na gobyerno ang serye ng kontrobersyal na amendments sa nakabinbin na firearms legislation, ang C-21 — mga pagbabago na sinasabi ng ilang firearms owners ay hindi patas na tina-target ang mga hunter at farmer.
Sa gitna ng mabagsik na oposisyon mula sa Conservative, prohibited
firearms bilang parte ng pagtulak sa pagba-ban ng assault-style
weapons.
Ang pagbabago ay dapat iba-ban ang mga baril na ito sa ilalim ng Criminal Code, sa halip na sa pamamagitan ng regulasyon, na gagawing mas mahirap i-reverse ang probisyon para sa mga susunod na gobyerno.
PANOORIN | Mga Liberal binitawan ang kontrobersyal na amendment sa firearm bill:
Tinanggal ng gobyerno ang mga clause na epektibong ipagbabawal ang anumang rifle o shotgun na puwedeng tumanggap ng magazine na may higit limang rounds, kahit meron man o wala itong aktuwal na magazine.
Intensyon din ng gobyerno na ipagbawal ang long guns na nagdye-generate ng mahigit 10,000 joules ng enerhiya, o mga baril na may muzzle na mas malapad sa 20 millimetres — dalawang mga tuntunin na gagawing ilegal ang maraming firearms.
Ang amendment ay magkakaroon dapat ng epekto sa pagbabawal sa ilang long guns na malawakang ginagamit ng Canadian hunters.
Ang Bill C-21, as originally drafted, ay dinisenyo para ipagbawal ang handguns — ang mga pagbabago ay dramatikong pinalawak ang sakop nito.
Dahil ang amendments ay dramatikong lumayo mula sa kung paano orihinal na isinulat ang bill, kinuwestiyon ng opposition parties kung ang mga pagbabago ay katanggap-tanggap sa ilalim ng mga tuntunin ng parlamento. Ang mga alalahanin na ito ay naglaho na dahil sa pag-atras ng gobyerno.
Itutuloy pa rin ng gobyerno ang C-21, na ipinapanukala ang isang handgun sales ban, pagtugis sa gun smuggling at awtomatikong pinapawalang-bisa ang firearms licences na hawak ng domestic abusers.
Dinepensahan ni Public Safety Minister Marco Mendicino ang amendments, sinabi niya na desidido ang gobyerno na wakasan ang gun violence sa Canada.
Sinabi ng mga kritiko na ang ban sa popular na hunting rifles ay kaunti lang ang magagawa para gawing ligtas ang Canadians dahil maraming crime guns ay handguns na ilegal na ini-smuggle sa U.S. border.
Si Mendicino ay nakatakdang magsalita sa isang electric vehicle announcement sa Toronto ngunit kinansela ang kanyang pagdalo bago ipinanukala ni Noormohamed ang kanyang mosyon na ibasura ang amendments.
Isang artikulo ni John Paul Tasker (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.