- Home
- Kalusugan
- Pampublikong Kalusugan
Bird flu patuloy na kumakalat hindi lang sa mga ibon. Banta na ba ito sa tao?
Outbreak sa mink farm sa Espanya maaaring maging unang real-world case ng mammal-to-mammal transmission

Nakamamatay na avian influenza outbreak ang naganap sa isang mink farm sa Espanya.
Litrato: (The Associated Press) / Sergei Grits
Habang ang nakamamatay na uri ng avian influenza ay patuloy na nananalasa sa mga populasyon ng ibon sa buong mundo, tina-track ng mga siyentipiko ang impeksyon sa ibang hayop — kasama ang iba’t ibang uri ng mammals na mas malapit na nauugnay sa mga tao.
Sa loob ng buong taon ng 2021, na-detect ng mga opisyal ng Canada at Estados Unidos ang highly pathogenic H5N1 avian flu sa isang range ng species, mula sa mga bear hanggang sa mga fox.
Noong Enero, inanunsyo ng national reference laboratory ng France na isang pusa ang nagkaroon ng malalang neurological symptoms mula sa impeksyon noong huling bahagi ng 2022, ang virus ay nagpapakita ng genetic characteristics ng adaptation sa mga mammal.
Ang mas nakakabahala, sinabi ng mga researcher, ay ang malaking outbreak kailan lang sa isang mink farm sa Espanya.
Ito ay isang major shift, matapos ang ilang sporadic cases sa mga tao at iba pang mammals sa nakalipas na huling dekada, ayon kay Michelle Wille, isang researcher sa University of Sydney na nakapokus sa dynamics ng wild bird viruses.
“Ang outbreak na ito ay sini-signal ang tunay na potensyal para sa paglitaw ng mammal-to-mammal transmission,” sinabi niya sa isang email sa CBC News.
Ito ay isang farm lamang at, kapuna-puna, wala sa mga manggagawa — lahat ay nakasuot ng mga face shield, mask at disposable overalls — ang na-infect o nahawa.
Pero ang concern ngayon, ani Toronto-based infectious disease specialist Dr. Isaac Bogoch, ay kung ang virus ay mag-mutate sa isang paraan na pahihintulutan ang pagiging mas transmissible nito sa pagitan ng mammals, kasama ang tao, na maaaring magkaroon ng deadly consequences.
Basahin ang iba pang detalye rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.