- Home
- Politika
- Pangprobinsiyang Politika
Anti-Islamophobia rep humingi ng tawad para sa komento laban sa Quebecers
Sinabi ng ilang opisyal ng probinsya na si Elghawaby ay anti-Quebec
Anti-Islamophobia Representative Amira Elghawaby (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick
Ang unang kinatawan ng Canada laban sa Islamophobia na si Amira Elghawaby ay nahaharap pa rin sa malakas na oposisyon mula sa mga pulitiko sa probinsya ng Quebec.
Kahit na siya ay humingi na ng kapatawaran tungkol sa mga komentong binitawan noon na sinasabi ng ilan ay ipinipinta ang mga taga-Quebec bilang anti-Muslim.
Ang Bloc Québécois Leader na si Yves-François Blanchet, Quebec Secularism Minister Jean-Francois Roberge at iba pang opisyal ng Quebec ay nanawagan na mag-resign sa puwesto si Elghawaby.
Samantala, pinanindigan naman ni Prime Minister Justin Trudeau ang pagkakatalaga kay Elghawaby.
Ang mga komento ni Elghawaby ay ipinahayag niya sa kanyang opinion piece sa pahayagang Ottawa Citizen tungkol sa Bill 21 higit tatlong taon na ang nakalipas.
Ang Bill 21 ay isang batas na binabawalan ang mga empleyado ng estado tulad ng prosecutors, mga pulis at guro mula sa pagsusuot ng mga relihiyosong simbolo tulad ng krus at hijab.
Panoorin ang ulat ng CBC News sa bidyo na ito:
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Kaugnay na ulat
Isang bidyo ng CBC News na isinalin ang description sa Tagalog ni Catherine Dona.