1. Home
  2. Teknolohiya
  3. Internet

Ang No. 1 restawran ng Montreal sa Tripadvisor ay hindi totoo

Ang pekeng listing para sa Le Nouveau Duluth ay nagbunsod ng mga katanungan ukol sa online tourism platforms

Harap ng isang gusali na may mga nakatambak na snow sa paligid.

Habang walang mga aktibong negosyo sa gusaling ito na nasa corner ng Duluth Avenue sa St-Denis Street, walang restaurant na nagngangalang Le Nouveau Duluth dito.

Litrato: CBC News / Shahroze Rauf

RCI

Ang flower shop ni Yoo Jeung ay katabi dapat ng isang top-rated na restawran sa Montreal sa Tripadvisor, ang Le Nouveau Duluth, pero sinabi ng florist na hindi pa niya ito nakikita kailanman.

Sinabi ni Yoo Jeung na kabisado niya ang lugar na ito at madalas siyang pinagtatanungan ng direksyon ng mga turista papunta sa mga restawran.

Yoo Jeung sa gitna ng maraming magandang bulaklak at halaman.

Ang flower shop ni Yoo Jeung at ang Le Spot Saint-Denis ay katabi dapat ng Le Nouveau Duluth restaurant, pero hindi pa niya ito nakita kailanman.

Litrato: CBC News / Shahroze Rauf

Pero ang Nouveau Duluth? Hindi, aniya — at isang bagay tungkol sa online listing ay parang hindi tama sa kanya.

May napakataas na kisame [sa mga litrato], aniya. Sa Duluth walang matataas na kisame … mukhang peke.

Ang restawran ay nasa numero unong spot sa city ratings ng travel app, pero isang tingin lang sa listing ay sapat na para magtaka ang foodies.

Ang Le Nouveau Duluth ay hindi nag-e-exist pero ang madali nitong pag-akyat sa top spot ng travel advice site ay isang malinaw na halimbawa kung gaano kadaling lumikha ng ingay na wala naman substance sa likod nito — at ang hamon na hinaharap ng mga totoong restawran ay ang mapansin ng algorithm.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita