1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

899 katao inalagaan ng pekeng nurse sa B.C. Women’s Hospital

Kinukumpirma na ngayon ng Provincial Health Services Authority ang mga pangalan at lisensya kapag nagha-hire

Iba't ibang litrato ni Brigitte Cleroux na pinagsama sa isang frame.

Si Brigitte Cleroux, 51, ay may criminal record na sumasakop sa tatlong dekada, apat na probinsya at dalawang U.S. states.

Litrato:  CBC News

RCI

Ang impostor na si Brigitte Cleroux ay involve sa treatment ng 899 na pasyente sa loob ng taon na siya ay nagpapanggap bilang perioperative nurse sa B.C. Women’s Hospital, inilahad ng mga bagong dokumento sa korte.

Bago ngayon, hindi alam ng publiko kung ilang tao ang eksaktong naapektuhan ng diumano’y panloloko ng 51 taong gulang sa pasilidad sa Vancouver noong 2020 at 2021.

Ang numero na ito ay kasama sa tugon ng Provincial Health Services Authority noong Enero 27 sa aplikasyon para i-certify ang proposed class-action lawsuit na inaakusahan ang hospital operator ng negligence at vicarious liability for battery and breach of privacy ni Cleroux.

Ang mga dokumento na isinumite sa parehong araw ay nagpapakita na dahil sa panlilinlang ni Cleroux, kinukumpirma na ngayon ng health authority ang pangalan at lisensya ng bawat nurse na hina-hire nito.

Ginagamit diumano ni Cleroux ang assumed identity at hindi siya ni-require na magbigay ng balidong registration number nang magsimula siyang magtrabaho.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita