- Home
- Politika
- Katutubo
AFN national chief tinawag na ’kolonyal’ ang imbestigasyon sa asal niya sa trabaho
Inakusahan ni RoseAnne Archibald ang mga imbestigador ng pagtatago sa kanya ng impormasyon
Assembly of First Nations National Chief RoseAnne Archibald.
Litrato: La Presse canadienne / Spencer Colby
Kini-claim ni Assembly of First Nations National Chief RoseAnne Archibald na ang imbestigasyon sa kanyang asal sa trabaho na sinusuri ang pagtrato niya sa kanyang staff ay sumusunod sa isang "colonial path" dahil ang non-Indigenous investigators ay maaaring "i-demonize" ang cultural practices ng mga Katutubo (Indigenous).
Ang First Nations, Métis at Inuit ang mga katutubong tao sa Canada na may sariling wika, kultura, paniniwala at paraan ng pamumuhay.
Naglunsad ang Assembly of First Nations (AFN) ng isang external na imbestigasyon sa asal ni Archibald noong nakaraang tagsibol matapos akusahan ng apat na senior staff at outgoing CEO ng
AFN ang naturang chief ng pambubully at harassment.Sa isang memo na ipinadala noong Enero 26 sa chiefs-in-assembly, tinawag ni Archibald ang pag-iimbestiga na isang colonial legal process
na nakaka-distract mula sa tunay na trabaho ng AFN.
Sa naturang memo, inakusahan ni Archibald ang mga imbestigador ng pagtatago ng impormasyon mula sa kanya at sa kanyang mga legal counsel — tulad ng alin sa mga section ng Canada Labour Code at ng sariling workplace personnel and ethics codes ng
AFN ang diumano ay nilabag niya.Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.