- Home
- Pandaigdig
- Mga insidente at natural na kalamidad
Malakas na lindol niyanig ang katimugang bahagi ng Pilipinas, klase sinuspinde
Ang 6.1 magnitude na lindol tumama sa probinsya ng Davao de Oro

Mga batang estudyante na nasa ilalim ng mesa habang may earthquake drill.
Litrato: AP / Aaron Favila
Isang malakas, mababaw na lindol ang yumanig sa isang bulubunduking rehiyon sa timog-silangang Pilipinas noong Miyerkules (local time), pero walang agarang ulat ng malaking pinsala o mga nasaktan, ayon sa mga opisyal.
Ang 6.1 magnitude na lindol, na na-trigger ng isang local fault, ay tumama humigit-kumulang 14 kilometro (8.7 miles) hilagang-silangan ng bayan ng New Bataan sa probinsya ng Davao de Oro na may lalim na 11 kilometro (6.8 miles), sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ilang bayan at probinsya sa timog ang niyanig ng lindol, sinabi ng government institute, dagdag pa nito na inaasahan nila ang mga aftershock.
Sinuspinde ni Davao de Oro Gov. Dorothy Gonzaga ang mga klase at ang karamihan sa trabaho sa gobyerno sa probinsya araw ng Huwebes (local time) upang pahintulutan ang inspeksyon ng mga gusali para sa posibleng pinsala.
Ang probinsya na may mahigit 700,000 katao ay nasa rehiyon na nanginginig pa mula sa malakas na pag-ulan at pagbaha noong nakaraang linggo.
Isang artikulo ng Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.