- Home
- Lipunan
- Multiculturalism
Black na mga tinig, istorya at karanasan tampok sa CBC ngayong Black History Month
Panoorin ang mga bagong serye at pelikula, makinig sa mga bagong podcast at kilalanin ang Black Changemakers

Tuwing buwan ng Pebrero, ipinagdiriwang sa Canada ang Black History Month.
Litrato: CBC News
Ipinagdiriwang ng CBC ang BLACK HISTORY MONTH sa buong buwan ng Pebrero sa pamamagitan ng isang malawak na range ng mga programa sa iba’t ibang platform tampok ang Black creators, storytellers at changemakers.
Narito ang mga highlight ng Black History Month programming ng CBC:
CBC British Columbia
REVELATIONS
Tuwing Sabado ngayong Pebrero
Simula Pebrero 4, ipinagmamalaki ng CBC Vancouver na itampok ang Revelations, isang limitadong serye para sa Black History Month. Tuwing Sabado ng Pebrero, tumutok tuwing 5 ng hapon sa CBC Radio One o CBC Listen (bagong window) sa British Columbia at pakinggan ang mga prominenteng Black na tinig mula sa Vancouver na magho-host ng music specials na kinokober ang iba’t ibang genre, mula gospel hanggang hip-hop hanggang Afrofuturism.
Ang Revelations ay iho-host nina Dawn Pemberton (bagong window) (Peb. 4), Marcus Mosely (bagong window) (Peb. 11), Krystie Dos Santos (bagong window) (Peb. 18) at Khair Wendell McClelland (bagong window) (Peb. 25).
CBC News
Hina-highlight ng CBC website BEING BLACK IN CANADA (bagong window) ang mga istorya at karanasan ng Black Canadians buong taon, nagbibigay ng malawak na range ng content na ipinagdiriwang ang kultura at mga nagawa ng Black communities sa Canada habang nag-aalok ng pasilip sa kanilang pakikibaka.
BEING BLACK IN CANADA - BLACK CHANGEMAKERS 2023
Ilulunsad Pebrero 1
Ang Black Changemakers ay isang editorial series ng Quebec at Atlantic Canada na kinikilala ang mga indibidwal na gumagawa ng positibong pagbabago sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng malalaki at maliliit na aksyon. Kilalanin ang Black Changemakers: cbc.ca/beingblackincanada (bagong window)
BEING BLACK IN CANADA: FRIENDS & ALLIES
Available sa buong buwan ng Pebrero sa cbc.ca/beingblackincanada (bagong window)
Ipipresenta ng Being Black in Canada ang isang espesyal na serye na may apat na bahagi tungkol sa Black Canadians at ang kanilang pinagkakatiwalaang allies, mag-aalok ng inspirational intersectional stories na tampok ang allyship in action.
Isang interbyu ang eere tuwing Miyerkules ngayong Pebrero sa CANADA TONIGHT ng CBC News Network at lahat ng apat na interbyu bilang kalahating oras na special sa CBC News Network at CBC Gem (bagong window) sa Sabado, Pebrero 25, 4:30 ng hapon ET, 9:30 ng gabi ET at 11:30 ng gabi ET.
CBC TV and CBC Gem
THE NATURE OF THINGS: SECRET AGENTS OF THE UNDERGROUND RAILROAD
Biyernes, Pebrero 3, 9 ng gabi (9:30 NT) sa CBC TV at CBC Gem (bagong window)
DEAR JACKIE (bagong window)(feature documentary na idinerehe ni Henri Pardo)
Linggo, Pebrero 5, 8 ng gabi (8:30 NT) sa CBC TV at CBC Gem (bagong window)
CBC GEM BLACK HISTORY MONTH COLLECTIONS
Mag-aalok ang CBC Gem (bagong window) ng apat na Black History Month collections - BLACK STORIES, CELEBRATING BLACK HISTORY, BLACK ART & MUSIC, at MUST WATCH BLACK LEADS - tampok ang higit 60 na serye, pelikula at mga dokumentaryo na nag-e-explore ng kasaysayan at kultura, at nagdiriwang ng tagumpay ng Black people.
Ang CBC Gem (bagong window) collection, CELEBRATING BLACK HISTORY MONTH (KIDS), ay kids series at specials tampok ang Black na talento sa harap at likod ng camera, at ipinagdiriwang ang diversity at inclusiveness.
CBC Podcasts
THE AFRICAS VS. AMERICA
Linggo-linggo simula Lunes, Pebrero 6 - 7 episodes sa CBC Listen (bagong window) at sa lahat ng lugar kung saan available ang podcasts.
CBC Arts
Sa Pebrero 1, ilulunsad ng CBC Arts (bagong window) ang bagong Black History Month-themed logo mula sa artist na si Jimmy Baptiste (bagong window) bilang parte ng kanilang monthly logo project (bagong window), na may kasamang Q&A. Kasama sa mga feature sa Pebrero ang isang interbyu sa artist na si Esmaa Mohamoud (bagong window) tungkol sa kanyang tumatakbong Art Gallery of Alberta (bagong window) show, at isang bagong episode ng Here and Queer (bagong window) kasama ang filmmakers sa likod ng Jackie Shane heritage minute (bagong window), na sina Pat Mills at Ayo Tsalithaba.
CBC Books
Sa Pebrero, ilulunsad ng CBC Books (bagong window) ang kanilang taunang Black Canadian Writers to Watch list, kasama ang emerging at exciting Black Canadian writers, authors at poets na nakatakdang gumawa ng marka sa national at international literary scenes.
CBC Kids
Ipinagdiriwang ng CBC Kids ang Black History Month sa pamamagitan ng mga bagong video para sa CBC TV at isang social media feature mula sa Studio K hosts na sina Janaye at Tony habang pinaparangalan ang phenomenal Black Canadians, at matutunan ang ilang Afro Dance moves. CBCKids.ca (bagong window) (edad 6-10) at CBC Kids News (bagong window) (edad 9+) ay nag-aalok ng age-appropriate context sa kasaysayan at kabuluhan ng Black History Month.
CBC Sports
Isang bagong orihinal na CBC Sports video tampok ngayong Pebrero ay magpopokus sa Black runner na nagngangalang Phil Edwards (bagong window), ang five-time Olympic medallist para sa Canada, na nanalo ng pinakaunang Northern Star Award para sa top athlete ng Canada noong 1936; at ang racial disparity sa pagitan ng Canadian men's national soccer teams sa FIFA World Cup noong 1986, ang unang appearance ng team, at ang pangalawa noong 2022. Ang video features ay magiging available sa cbcsports.ca (bagong window) at sa CBC Sports app.
Isang artikulo ng CBC Communications na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.