- Home
- Kapaligiran
- Pagbabago ng Klima
Electric vehicles nangangako ng environmental wins. Pero sa anong halaga?
‘Baka marami tayong masira sa pag-transition kung ‘di tayo mag-iingat’: mining expert Teresa Kramarz

Isang electric vehicle na tsina-charge sa Ottawa.
Litrato: (Sean Kilpatrick/The Canadian Press)
Ang mabangis na pagtulak patungo sa electrification ng mga sasakyan sa Canada ay nangangako na magiging isang key factor sa commitment ng bansa upang maging carbon neutral pagsapit ng 2050 — pero ang ilang environmentalist ay nababahala na ang bilis nito ay may kaakibat na mga konsikuwensya.
Baka marami tayong masira sa pag-transition kung ‘di tayo mag-iingat,
ani Teresa Kramarz, isang assistant professor sa School of Environment sa University of Toronto na nakapokus sa pamamahala ng natural resources.

Si Teresa Kramarz ay nagtuturo sa School of Environment sa University of Toronto, na nakapokus sa pamamahala ng natural resources.
Litrato: CBC News
Nais kong maging malinaw na kailangan natin na mag-de-carbonize … Ang concern ko ay siguraduhin na habang nag-de-carbonize tayo, mabibigyan natin ng atensyon kung paano natin ito gagawin hindi lang titingnan ang carbon unit bilang kaisa-isang unit ng analysis ng ating mga tanong sa pamamahala.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.