- Home
- Ekonomiya
- Economic Indicators
Ekonomiya ng Canada bumagal noong Nobyembre, pero lumago pa rin
Lumawak ang service sector kahit na lumiit ang goods producing industries

Ang gross domestic product ng Canada ay lumaki ng 0.1% noong Nobyembre, iniulat ng Statistics Canada ngayong Martes.
Litrato: (Ben Nelms/CBC)
Lumaki ang ekonomiya ng Canada ng 0.1 porsyento noong Nobyembre habang ang mas mataas na interest rates ay pinabagal na ang paggastos sa pagtatapos ng taon.
Ipinahiwatig ng unang tantiya ng Statistics Canada para sa Disyembre na ang ekonomiya ay nanatiling flat, iminungkahi na ang ekonomiya ay lumaki sa annualized rate na 1.6 porsyento sa ikaapat na quarter.
Ang ekonomiya ay lumaki sa annualized rate na 2.9 porsyento sa ikatlong quarter.
Noong Nobyembre, ang paglaki ng real domestic product ay itinulak ng pampublikong sektor, transportasyon at warehousing at finance and insurance.
Samantala, lumiit naman ang construction, retail and accommodation at food services.
Sinabi ng Statistics Canada na ang paglago ng ekonomiya para sa 2022 ay tinatayang nasa 3.8 porsyento.
Isang artikulo ni Nojoud Al Mallees (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.