1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Trabaho

Pansin mo ba ang labour shortage? Ito ang totoong nagaganap sa job market ng Ontario

May 40 taon ng labour surpluses ang employers pero iniisip pa rin nila na ang mga manggagawa ay sampu singko

Mga tao na nag-uusap sa construction site.

Construction ang isa sa mga sektor na may pinakamataas na bahagi ng mga bakanteng trabaho sa Ontario (archives).

Litrato: CBC / Tom Ayers

RCI

Karamihan sa mga manggagawa sa Ontario ay hindi pa nakaranas ng ganito sa buong buhay ng kanilang pagtatrabaho: tumagilid ang labour market sa kanilang pabor.

Ipinapakita ng estadistika na ang unemployment ay nasa pinakamababang punto kailanman, nagkaroon ng record-high job vacancy numbers at hindi pa nakikitang labour force participation rates.

Ang labour market ay nasa pinakamahigpit na estado sa loob ng kalahating siglo, at hindi ito unique sa Ontario, sinabi ni Armine Yalnizyan na isang ekonomista. Kung minsan inilalarawan ng mga pulitiko at business leaders ang nangyayari bilang worker shortage, pero ang kuwento na ito ay hindi sinasang-ayunan ng ilang observer.

Hindi ako sigurado kung shortage nga ba ito ng workers o shortage ng mga employer na willing magbayad ng suweldong kakailanganin para magtrabaho ang tao sa kanila, ani Don Wright, dating pinuno ng pampublikong serbisyo sa British Columbia, na ngayon ay isang fellow sa Public Policy Forum think-tank.

Basahin ang analysis ni Mike Crawley ng CBC News dito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita