1. Home
  2. Lipunan
  3. Paglahok sa Komunidad

Pilipinong first-time skaters nagustuhan ang Charlottetown rink

‘Ito ang aming unang winter sa P.E.I. kaya ine-enjoy lang namin lahat’

Mga taong nag-skating sa isang outdoor rink.

Skaters pumunta sa rink sa Founders' Hall noong Sabado sa unang gabi na binuksan ito.

Litrato:  CBC News / Shane Ross

RCI

Nagbukas ang Founders’ Hall outdoor ice rink sa unang pagkakataon noong weekend.

Nagtago man ang araw sa likod ng ulap noong Linggo, hindi naman nito napigilan ang pamilya Tupas mula sa kanilang unang pagsubok sa ice skating.

Lumipat sila sa Prince Edward Island noong Agosto mula sa Pilipinas. Dinala ni Emilia Tupas ang kanyang mga anak, sina Wynd at Flyt, bilang parte ng kanilang Sunday family time.

Ito ang unang winter namin sa P.E.I. kaya ine-enjoy lang namin lahat, aniya. Masaya ang mga bata. Natututo pa lang sila na mag-skate.

Hawak ang kape, nag-e-enjoy siya na panoorin ang mga anak sa ice. Si Wynd ay 16-anyos at ginamit niya ang araw na iyon para mag-practice ng skating.

Sinusubukan ko pa lang na i-practice ‘yung balance ko at paulit-ulit ko lang iyon na ginagawa, aniya. Maganda talaga na libre lang ito at puwede kami magpunta dito at mag-skate buong araw.

Sumama si Fatimah Alonto sa pamilya Tupas para i-enjoy ang winter sun at subukan na mag-skate sa unang pagkakataon. Tinulungan siya ng kaunti nina Flyt at Wynd, pero hindi siya masyadong nagtagal sa ice.

PANOORIN | Skaters sinamantala ang unang pagkakataon na makaikot sa ice rink:

Hindi ito kasing dali ng nakikita mo, aniya. Mahirap talaga kaya kailangan ko pang mag-practice.

Ang winter ay isang adjustment para sa kanila dahil mula sila sa isang tropical na lugar.

Sabi nila ang winter daw ngayon ay naging mabait sa amin, ani Alonto. Nag-e-enjoy kami sa winter dito.

Available ang skates, pero mataas ang demand

May mga pinahihiram na skates ang Charlottetown Library, pero ubos na ito sa ngayon.

Sinabi ni Gillian Mahen, isang library technician, na sinimulan ng library ang lending program noong Oktubre. Maaaring i-check out ng sinuman na may library card ang skates, ngunit baka paikliin ito ng isang linggo.

Sa kasalukuyan wala na kaming skates, napakapopular kasi nito, aniya.

Ang ibang branches ay may skates din na ipinahihiram at maaari itong i-transfer sa local downtown branch.

Puwede mong ipa-hold ang mga ito para dalhin sa branch, kung wala na ang branch mo, ani Mahen.

Isang artikulo ni Stacey Janzer (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita